Walang “favoritism” sa distribusyon ng Covid-19 vaccine
- Published on July 12, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG “favoritism” sa distribusyon ng COVID-19 vaccines sa iba’t ibang panig ng bansa.
Ito ang tugon ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa sinabi ni dating Health secretary at ngayon ay Iloilo Representative Janette Garin, na mayroong “palakasan” o patronage system sa pamamahagi ng COVID-19 vaccines.
“Dini-distribute natin ang ating mga vaccine sa mga [Centers for Health Development] ang ating tinatawag na sa mga regional CHD ng DOH at the same time sa mga [local government units] at mayors ng highly urbanized [areas],” ani Galvez.
“Ang gusto kasi ni former Sec. Garin sa kanya ibigay namin ‘yung doses which is hindi naman tama. Kasi humihingi siya ng allocation. Maguguluhan po ang ibang mga LGUs kasi ‘di siya nasa lineage ng distribution. ‘Yung accounting mahihirapan po tayo at ang administration,” dagdag na pahayag nito.
Aniya pa, may ilang politiko ang nais gamitin at umepal sa COVID-19 vaccination program ng pamahalaan para sa kanilang pansariling political agenda.
“‘Yung nakikita po kasi namin na gingamit ang vaccine sa politika. ‘Yun ang dini-discourage namin na please do not use the vaccine as a political weapon ang nakikita namin sa poster sila mismo kumukuha sa mga airports. It seems na parang sa kanila galing ang vaccines,” ayon kay Galvez.
Nilinaw din ni Galvez na may ilang LGU officials ang ipinatatawag para magpaliwanag kung bakit kailangan ng mga ito ng mas maraming bakuna sa kanilang lugar.
Tinukoy nito ang kaso sa Cagayan de Oro City kung saan ay umapela sa national government para sa mas maraming COVID-19 vaccine doses dahil na rin sa nahaharap ito sa mataas na kaso ng COVID-19.
“We would like to contest ‘yung sinasabi ni [Congresswoman] Garin kasi wala po talagang favoritism ang ginagawa natin. Ang ginagawa natin ‘pag tumawag ang LGU and they rationalize na ‘kailangan namin ng ganitong vaccine kasi ito pa lang ang natatanggap namin,’” aon kay Galvez.
Ani Galvez, ibinibigay nila ang bakunang hinihingi ng LGUs upang sa gayon ay hindi ma-discouraged ito na tulungan ang gobyerno sa vaccine rollout. (Daris Jose)
-
Wanted sa rape sa Antipolo, nakorner sa Malabon
LAGLAG sa selda ang isang construction worker na akusado sa kasong statutory rape matapos masukol ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Ikinasa ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa 27-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Persons sa Antipolo […]
-
Pamilya ng EJK victims umaasang makakamit ang hustisya mula sa ICC – Colmenares
Umaasa ang libo-libong pamilya ng mga biktima ng extrajudicial killings (EJK) na kanilang makakamit ang hustisya kaugnay ng kalunos-lunos na sinapit ng kanilang mga mahal sa buhay sa International Criminal Court (ICC), na nagsasagawa ng imbestigasyon kaugnay sa madugong drug war ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte. Ito ang sinabi ni dating […]
-
Tolentino suportado ang mga manlalaro
POSITIBO si Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano na isa ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakatulong sa Pilipinong atleta sa ilalim ng bagong termino ng pamumuno ni Cavite Eight Distriuct Rep. Abraham Tolentino. “Ang kanyang muling pagkapanalo ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng vote of confidence sa mga lider ng bawat national sports […]