• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Walang ‘foreign’ DNA sa isinagawang vaginal swab test sa bangkay ni Dacera

Muling iginiit ng isa sa 11 abogado ng mga respondent sa pagkamatay ng flight attendant na si Christine Dacera sa isang hotel sa Makati City na walang nangyaring rape sa insidente.

 

 

Ayon kay Atty. Emmanuel Ramos, ang counsel ng respondent na si John Paul Halili sa Dacera slay case, base raw sa dalawang medico legal, lumalabas na natural death ang sanhi ng pagkamatay ng biktima dahil sa aortic aneurysm.

 

 

Dagdag ni Ramos, base raw sa isinagawang DNA examination sa vaginal swa test na isinagawa ng mga eksperto, wala umanong foreign DNA na nakita sa ari ng 23-anyos na flight attendant na tubong General Santos City, ibig sabihin hindi ginahasa at walang nakatalik ang biktima bago ito namatay.

 

 

Dagdag ng abogado, ang medico legal na isinumite ng PNP sa isinagawang ikatlong preliminary investigation sa Dacera slay case ang magpapatunay kung ano talaga ang ikinamatay ng dalaga.

 

 

Pero iginiit nitong ang selebrasyon lamang ng mga magkakaibigan ang naging sanhi ng pagkamatay ni Christine at walang nangyaring foul play na iginigiit pa rin ng pamilya Dacera.

 

 

Dagdag niya, nasira rin umano ang buhay ng ilang respondent dahil sa insidente dahil mayroon sa kanila ang nawalan ng trabaho at masaklap pa ay may itinakwil ng pamilya.

 

 

Kanina nga ay muling ipinagpatuloy ng Makati court ang  preliminary investigation sa pagkamatay ng flight attendant at lahat ng mga respodents ay nakapagsumite na kanilang kontra salaysay at memorandum.

 

 

Sa susunod na pagdinig na itinakda sa Pebrero 11, magsusumite rin ng reply ang mga respondents.

 

 

Samantala, patuloy pa rin umanong nagsasagawa ng DNA test ang National Bureau of Investigation (NBI) sa katawan ni Dacera kaugnay naman ng isinasagawa nilang hiwalay na imbestigasyon.

 

 

Ayon kay Department of Justice (DoJ) Sec. Menardo Guevarra, hindi raw minamadali ng NBI ang kanilang report sa pagkamatay ng flight attendant.

 

 

Pero tiwala naman ang kalihim na makakapagsumite ng report ang NBI kapag natapos na nila ang kanilang imbestigasyon.

 

 

Tiniyak ni Guevarra na agad niyang ipapasa sa Makati Prosecutor’s Office ang report ng NBI kapag nakatanggap na niya ito.

 

 

Sa pakikipag-ugnayan daw ng DoJ sa NBI, sinabi ni Guevarra na iniulat sa kanyan ni NBI Deputy Director Ferdinand Lavin na nagsasagawa pa ang mga ito ng iba pang DNA test at malalimang imbestigasyon.

 

 

Una nang sinabi ng pamilya Dacera na mas bibigyan nila ng bigat ang findings ng NBI kaysa sa unang lumabas na autopsy report.

Other News
  • SHARON, nagpaliwanag kung bakit kailangang i-post ang pagsakay sa private plane at chopper para dalawin si FRANKIE

    PINOST ni Megastar Sharon Cuneta ang video habang nasa private plane sila papuntang New York para sa bisitahin ang kanyang daughter na si Frankie Pangalinan.     Caption niya, “On my way to New York this morning to surprise KAKIE!!!   “Doc Noel’s birthday celebration continues in New York, and praise God for Noel because […]

  • Panukalang pagsisilbi ng half cup rice sa mga restaurants sa buong bansa, muling bubuhayin sa Kongreso

    PANUKALANG pagsisilbi ng half cup rice sa mga restaurants sa buong bansa, muling bubuhayin sa kongreso upang mabawasan angpagkakasayang sa kanin at maisulong ang mas malusog na pagkain.           Bukod dito, umapela rin si Iloilo Rep. Janette Garin sa mga may-ari ng restaurants na mas piliin ang pagbebenta o paghahain ng sweet potato […]

  • Ads September 14, 2020