• September 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang ginamit na public funds para sa kontrobersyal na video ng “Love the Philippines”

DUMIPENSA ang DDB Philippines, ang advertising agency na gumawa ng kontrobersiyal na audio-visual presentation ng tourism slogan campaign na “Love the Philippines” ng Department of Tourism (DOT) na wala umanong public funds na nagastos para dito.

 

 

Ito ay matapos umamin ang naturang ad agency na gumamit ito ng ilang hindi orihinal na video at hindi kuha sa Pilipinas para sa bagong tourism campaign video.

 

 

Paliwanag ng naturang ad agency na sarili nilang inisyatibo at gastos ito para tumulong na maipakilala ang bagong slogan.

 

 

Sa isang statement, humingi ng tawad ang ad agency kay DOT Secretary Christina Frasco at sa mga Pilipino sa paggamit ng video clips mula sa ibang bansa gaya ng Indonesia, Thailand at Dubai.

 

 

Saad pa ng agency na bagamat isang standard practice umano sa industriya ang paggamit ng stock footage sa mood videos dapat aniya na sumunod ito sa maayos na screening at proseso ng pag-apruba.

 

 

Ang naturang presentation din aniya ay ginawang isang mood video para ma-excite ang internal stakeholders sa naturang kampanya. (Daris Jose)

Other News
  • Dumaan din sa matinding depresyon dahil sa problema: ALDEN, ‘di inakalang darating sa buhay ni SHARON at mamahalin

    INAMIN ni Asia’s Multimedia Media Star Alden Richards na dumaan din pala siya ng matinding depresyon.      Naramdaman daw niya na parang wala na siyang silbi sa entertainment industry, na kung saan ika-12 na taon na niya nitong December 8.     “Parang naabutan lang ako ng maraming problema during that time,” pag-amin ng […]

  • Ads February 13, 2024

  • Alex Eala hangad ding makapagbigay ng inspirasyon tulad ng boxing legend na si Pacquiao

    Todo pasalamat pa rin ang teenage tennis sensation na si Alex Eala sa kanyang mga fans na nagpaabot ng papuri sa kanyang matapos ang makasaysayang panalo sa US Open junior crown.     Ang panalo ni Eala ay nagluklok sa kanya bilang first Filipina na makasungkit ng grand slam singles championship.     Aminado ang […]