“Walang Gutom 2027” ng DSWD, 1M mahihirap na pamilya ang makikinabang-DSWD
- Published on May 26, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG 1 milyong benepisaryo ang inaasahan na makikinabang mula sa “Walang Gutom 2027” program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Layon ng inisyatibang ito ang paghusayin ang access ng food-poor families sa masustansyang pagkain.
Sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na ang bagong food stamp program ng departamento ay naglalayong tulungan ang 1 milyong sambahayan na nabibilang sa lowest income bracket o iyong mga “do not make beyond PHP8,000” na buwanang sahod.
Sinabi ni Gatchalian na hangad ng programa na magbigay ng electronic benefit transfers na kakargahan ng food credits na nagkakahalaga ng P3,000 para magawa ng mga targeted beneficiaries na makabili sa piling listahan ng food commodities mula sa DSWD-accredited local retailers.
“The ‘Walang Gutom 2027′ intends to target the bottom 1 million households from Listahanan 3 who belong to the food poor criteria as defined by the Philippine Statistics Authority,” ani Gatchalian.
“We believe that this program will properly address the gaps and assist its beneficiaries in attaining the recommended food and energy consumption needed for each member to perform their daily tasks and routines that has direct and indirect contribution to human capitalization and a direct positive impact towards nation-building,” dagdag na wika nito.
Gayunman, nilinaw ni Gatchalian na ang food stamp program ay nananatili pa rin sa “design stage” hanggang Hunyo.
Samantala, kasalukuyan nang nakikipagtulungan ang DSWD sa United Nations’ World Food Program para hingan ng tulong ang kanilang “vast technical expertise” pagdating sa pagpapatakbo ng food stamp programs sa buong mundo.
“As we speak right now, mayroon na tayong first draft ng design and we will spend the remaining months of May and June in the design stage,” ani Gatchalian sabay sabing tumanggap naman ang DSWD ng “multiple consultants” “to take a second look at what is being designed.” (Daris Jose)
-
DILG, pinaigting ang anti-drug ops sa gitna ng mataas na paggalaw sa ilang lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1
NAKITA ng mga tagapagpatupad ng batas ang makabuluhang pagtaas sa volume ng nasabat na ilegal na droga sa isang operasyon noong nakaraang linggo sa gitna ng tumaas na paggalaw sa maraming lugar sa ilalim ng “most relaxed” Alert Level 1. Sinabi ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año […]
-
Ads February 10, 2022
-
Russia nalusob na ang Chernobyl Nuclear Power Plant sa Ukraine
IBINUNYAG ni Ukrainian President Volodymyr Zelensky na nilusob ng mga sundalo ng Russia na kontrolin ang Chernobyl Nuclear Power Plant. Ayon pa sa Ukrainian president na may mga sundalo na sila ang nasawi dahil sa pagtatanggol sa lugar para hindi na makalapit pa ang mga sundalo ng Russia. Inamin naman ni […]