• March 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang krisis sa tubig buong 2025 – MWSS

TINIYAK ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) na walang magaganap na kakapusan sa suplay ng tubig para sa buong taong 2025 kahit na nagsisimula nang pumasok ang hot dry season.
Ayon kay MWSS Acting Deputy Administrator Patrick James Dizon, tuwing summer season mula buwan ng Marso hanggang Mayo ay tumataas ng 10%-15% ang paggamit ng tubig ng mga tao upang maalis ang epekto sa kanila ng maalinsangang panahon.
“Pero mga nakaraang buwan, dahil may mga shearline at Amihan, nakapag-ipon ng tubig sa mga dam. Naabot natin target elevation sa mga water reservoirs sa end ng 2024, para ‘di tayo magka-water shortage… ‘di lang this summer pero hanggang katapusan ng 2025, eh ‘di natin nakikita ang water shortage,” ayon kay Dizon.
Tiniyak din ni Dizon na walang magaganap na pagtaas sa singil sa tubig bagama’t tataas ang demand sa suplay ngayong tag-init.
Hinikayat din nito ang mamamayan na gamitin ng wasto ang suplay ng tubig lalo na sa panahon ng summer na walang mga pag-ulan.
Other News
  • Australian visit ni PBBM, makapagpapalakas sa umiiral na “bonds of cooperation”

    LUMIPAD kahapon Feb 28, Miyerkoles si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. tungo ng Canberra para palakasin ang umiiral na “bonds of cooperation” at talakayin ang mga bagong paraan ng pakikipagtulungan sa Australia.     Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Department of Foreign Affairs (DFA) Spokesperson Ma. Teresita Daza na magsasagawa ang Pangulo ng […]

  • Sandra Bullock: A Novelist Turned Adventurer in ‘The Lost City’

    SANDRA Bullock has long been drawn to the idea of making an action-adventure film seasoned with comedy, like the classic sweeping adventures she has enjoyed as a moviegoer.     So, she decided to produce one, through her production company Fortis Films. And with that, The Lost City is born!     Sandra Bullock as Producer     […]

  • Standardization sa singil ng mga driving schools, pinag-aaralan ng LTO

    TARGET  ngayon ng Land Transportation Office (LTO) na magpatupad ng standardization sa lahat ng singil ng mga driving school sa bansa.     Ito ang inihayag ni LTO chief Jose Arturo Tugade kasunod ng ilang reklamong natatanggap ng ahensya dahil sa malaking halaga ng perang kinakailangan umanong ilabas ng isang indibidwal para makakuha ng driver’s […]