• February 10, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Walang naiulat na Pinoy na apektado ng Hurricane Helene —PH Embassy

SINABI ng Philippine Embassy sa Washington na wala pa itong natatanggap na anumang ulat na may mga Filipino ang naapektuhan ng Hurricane Helene sa US southeast.

 

Sa kasalukuyan, patuloy na naka-monitor ang Embahada sa situwasyon kasama ang Philippine Honorary Consulates sa Florida at Georgia.

 

Nananatili naman itong handa na magbigay ng anumang kakailanganing tulong sa mga apektadong Filipino.

 

Tinatayang halos 300,000 Filipino ang nakatira sa lugar na apektado sa mapagwasak na Hurricane Helene.

 

Sa ulat, dahil sa matinding hambalos ng Hurricane Helene ay naapektuhan ang Big Bend region sa Florida at maging ang ilang bahagi ng Georgia, Tennessee, at Carolinas.

 

 

Samantala, hinikayat naman ng Philippine Embassy sa Washington, D.C. ang mga Filipinong apektado ng Hurricane Helene na kagyat na kontakin ang Embahada o kaugnay na mga awtoridad para sa tulong.

 

 

Nagpapatuloy naman ang Search, rescue, at recovery operations habang patuloy naman na tumataas ang death toll. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, pinangunahan ang pagdiriwang ng ika-125 Anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

    “THE heroes of our liberation would be proud to know that we have thrown off the ‘ominous yoke of domination’; never again to be subservient to any external force that directs or determines our destiny.”     Ito ang inihayag ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. sa idinaos na ika-125 na anibersaryo ng  Philippine Independence […]

  • IATF, nagpalabas ng protocols para sa fully vaccinated individuals

    NGAYONG LINGGO ay nagpalabas ang Inter-Agency Task Force (IATF) ng protocols para sa fully vaccinated individuals.   Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang mga fully vaccinated individual ay nabakunahan na ng dalawang linggo o higit dalawang linggo matapos na makatanggap ito ng second dose sa 2-dose vaccine; sa mga single dose vaccine naman ay […]

  • FROM TRACK TO SCREEN: DIRECTOR NEILL BLOMKAMP TALKS ABOUT MAKING “GRAN TURISMO: BASED ON A TRUE STORY”

    “GRAN Turismo has all the qualities of a great underdog sports story,” says producer Doug Belgrad of the film based on the true story of Jann Mardenborough, one of the unlikeliest racecar drivers of all time.        Director Neill Blomkamp, whose credits include District 9 and Elysium, says that Jann makes a compelling character because his real-life […]