Walang Pinoy casualty sa deadly triple-train crash sa India – envoy
- Published on June 6, 2023
- by @peoplesbalita
WALANG mga Filipino ang kabilang sa nasawi o nasugatan sa nangyaring deadly triple-train collission malapit sa Balasore silangang estado ng Odisha.
Ito ang inihayag ng Embassy of the Philippines sa New Dehli, India.
Batay sa ulat ng mga otoridad halos nasa 300 na ang nasawi habang nasa 900 ang sugatan at kasalukuyang ginagamot sa ibat ibang hospital.
Sa pakikipag-ugnayan ng Bombo Radyo kay Philippine envoy to India Mr. Josel Ignacio,sinabi nito na wala silang natanggap na ulat na may mga Pinoy ang nasangkot sa nangyaring insidente.
Sa panig naman ni Mr. John Boitte C. Santos, Chargé d’ Affaires ng Philippine Embassy sa India, kaniyang sinabi na nakikipag-ugnayan sila sa Philippine Honorary Consulate sa Kolkata na siyang may jurisdiction sa Odisha at sinabing walang Filipino ang nasangkot sa nasabing aksidente. (Daris Jose)
-
20.6 milyong COVID-19 vaccines, nasayang – DOH
MAHIGIT sa 20 milyon na donasyon at nabiling COVID-19 vaccines doses sa Pilipinas ang nasayang. Sinabi ni Health Undersecretary Carol Tanio sa pagdinig ng Senate committee on Health demography ni Senador Bong Go, na kabuuang 20,660,354 bakuna kontra COVID ang nasayang hanggang nitong Agosto 12. Paliwanag ni Tanio, 6% nito ang […]
-
Paggamit ng vape sa indoor public places, papatawan ng multa na P5K-P20K
PAPATAWAN ng mabigat na parusa ang mga mahuhuling maninigarilyo ng vapes sa indoor public places kabilang na sa government offices, mga paaralan, paliparan at simbahan. Sa inisyung department administrative order ng Department of Trade and Industry (DTI) na nagsasaad ng implementing rules and regulations (IRR) ng Republic Act No. 11900 o ang Vaporized […]
-
Ads March 20, 2021