• October 3, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WALONG TULAK HULI SA MAGKAKAHIWALAY NA OPERASYON NG QCPD

HULI  ang walong tulak ng shabu matapos ang ikinasang magkakahiwalay na buy-bust operation ng Quezon City Police District (QCPD).

 

 

Kinilala ni QCPD Director P/BGen Danilo Macerin ang apat na nadakip ng Fairview Police Station 5 na sina John Mark Ortega, 29, Orlando Vidal, 47,na pawang nasa  drug listed personality ng Brgy. Sta. Lucia Q. C., Jeffrey Tintero, 28, at Raffy Villa, 27.

 

 

Ayon kay QCPD Station-5 Fairview (PS5) Commander PLt. Col Melchor Rosales, isagawa ng kanyang mga tauhan ang drug operation sa Abad Santos St. Brgy., Sta. Lucia, QC.

 

 

Isang pulis ang bumili ng shabu at nang magkaabutan ay agad nang sinunggaban  ang apat.

 

 

Narekober mula sa mga suspek ang 5 plastic sachet na naglalaman na mahigit sa isang gramo ng shabu na may street value na P13,600.

 

 

Samantala sa operasyon naman ng QCPD Station-8  ng Project 4 ay huli  sina Rhonelle Gabrillo, alyas ‘Hero’ at  Ronald Macaspac.

 

 

Naaresto ang dalawa sa buy-bust operation na isinagawa sa No. 163 Quirino 2-C Project 2, QC.

 

 

Nakumpiska sa dalawa ang sampung plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P20,400.

 

 

Sa Area of Responsibility naman ng QCPD Station-2  Masambong ay 2 naman ang huli nitong mga tulak  na nakilala na sina John Robert Raz, alyas  ‘Nano’, 22-anyos,  at Manuel Tuazon.Pawang mahaharap ang walong nahuli sa paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • EJ Obiena ‘wagi ng gold medal sa torneyo sa Sweden

    MULI na namang nakasungkit ng gold medal ang Pinoy pole vaulter at Olympian na si EJ Obiena matapos magtala ng 5.92 meters sa ginanap na torneyo sa Taby Stavhoppsgala sa Sweden.     Nalampasan ni Obiena ang dati niyang personal best na 5.85 meters doon sa Italy.     Kung maalala noong buwan lamang ng […]

  • Saso balik sa world No. 76 ranking

    BINAWI ni Philippine rookie professional golfer Yuka Saso ang No. 76 sa Rolex women’s golf world rankings makalipas makihanay sa eighth place sa katatapos na 51st Descente Tokai Classic Aichi 2020 nitong Linggo sa Aichi Prefecture, Japan.   Inupuan na dati ang silyang iyon ng 19-anyos na Fil-Japanese na tubong San Ildefonso, Bulacan mula sa […]

  • Tugon sa quarantine requirement: Team PH maagang tutulak sa Tokyo

    MAAGANG tutulak sa Tok-yo, Japan ang Team Philippines para sumailalim sa quarantine period at health check requirements na kailangan bago sumalang sa 2020 Olympic Games na gaganapin sa Hulyo 24 hanggang Agosto 9.   Ito ang inihayag ni chef de mission Nonong Araneta kahapon kung saan plano nitong ipadala ang pambansang delegasyon dalawang linggo bago […]