WANTED NA KOREAN NATIONAL, NAARESTO SA NAIA
- Published on June 2, 2023
- by @peoplesbalita
NAARESTO ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang Korean national na wanted ng iba’t ibang kaso sa kanilang bansa.
Sa ulat kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, kinilala ni BI intelligence chief Fortunato Manahan Jr. ang pasahero na si Kim Seonjeong, 37.
Sinabi ng Manahan na si Kim ay kararating lamang sakay ng Cebu Pacific galing Ho Chi Minh, Vietnam nang naaresto ng BI’s border control and intelligence unit (BCIU) sa airport.
Inalerto ng mga Immigration supervisors ang mga ahente ng BCIU nang nakitang nakarehistro sa Interpol database ang pangalan ni Kim. Dahilan upang ipag-utos ni Tansingco ang agarang deportation proceeding laban kay Kim.
Sa impormasyon mula sa Interpol’s national central bureau (NCB) sa Manila, si Kim ay nakasuhan na at wanted sa Korea dahil sa fraud, inflicting physical injuries at drunken driving.
Bukod pa dito, si Kim ay nanloko sa kanyang mga kababayan at hinikayat na mag-invest sa kanyang 30 million won o US$23,000 at babalik nito sa halagang 100 million won sa loob lamang ng tatlong buwan subalit ibinulsa nito ang pera.
Kim claimed that he would invest the funds in the casino business but he reneged on his promise and instead pocketed the money which the victim deposited in his bank account.
Nabatid pa na nagpakita rin si Kim ng isang Korean passport gayuman, naka-report sa Interpol na nawala at ninakaw ang nasabing travel document. GENE ADSUARA
-
LeBron James nananatiling highest-paid NBA player ng Forbes
HAWAK pa rin ni Los Angeles Lakers star LeBron James ang may titulong highest paid na manlalaro sa NBA. Ayon sa Forbes, na ito na ang pang-11 na taon na hawak ni James ang nasabing titulo. Ngayong 2024-25 season kasi ay mayroon itong $48.7 milyon na sahod at estimated na $80-M […]
-
Dagdag pension sa senior citizens, isinusulong ni Cong. Lacson
Isinusulong ni Malabon City Congresswoman Jaye Lacson-Noel ang isang panukalang batas na magbibigay daan ng karagdagang pension para sa mga nakakatandang mamamayan ng bansa. Tiwala si Cong. Lacson na susuportahan ng kanyang mga kasamahan sa House of Representatives ang kanyang panukalang batas para sa mga senior citizens. Aniya, kung maipasa sa […]
-
ONLINE SELLER 3 PA, KULONG SA P.2 MILYON SHABU
HALOS P.2 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa apat na hinihinalang drug personalities, kabilang ang isang babaeng online seller na natimbog sa magkahiwalay na buy-bust operation ng pulisya sa Malabon at Navotas cities. Alas-3:00 kahapon ng madaling araw nang magsagawa ang mga operatiba ng Malabon Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna […]