WANTED PERSON TIMBOG SA MARITIME POLICE
- Published on May 3, 2021
- by @peoplesbalita
Nagwakas na pagtatago sa batas ng isang wanted person matapos maaresto ng mga tauhan ng maritime police sa isinagawang surveillance/stakeout operation sa Navotas city.
Kinilala ni Northern NCR Maritime Police head P/Major Randy Ludovice ang naarestong suspek na si Dominador Galido, 50, mangingisda at residente ng Brgy. Liminangcong, Taytay, Palawan.
Batay sa imbestigasyon ni PSSg Marcelo Agao, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Maritime police mula kay PLTCOL Glen Provido, Special Operation Unit (SOU) 2 Commander hinggil sa suspek.
Kaagad nagsagawa ang mga tauhan ng Maritime Police sa pangungun ni PLT Erwin Garcia ng surveillance/stakeout operation sa F/V Marlyd DLS 77 na nakadaong sa pier 2, Notas Fish Port Complex dakong 7:30 ng gabi.
Dito, inaresto ng mga pulis si Galido sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Pedro Dabu Jr. ng RTC Branch 286 Navotas City na may petsang Februar 24, 2021 para sa kasong Robbery Extortion through Usurpation of Authority at Qualified Piracy. (Richard Mesa)