WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON
- Published on August 13, 2021
- by @peoplesbalita
ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay dinakip dakong alas-9 ng gabi sa loob ng kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong July 17, 2021 ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Branch 73 para sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Children’s Act.
Ani P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon, ang kaso ay isinampa ng buntis na live-in partner ni Serafin noong December 2020 matapos siyang bugbugin ng akusado makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo dahil umano sa selos at problema sa pera.
Nang malaman ng tiyahin ng biktima ang insidente, sinamahan nito ang pamangkin para magsampa ng reklamo sa Malabon City Prosecutor’s Office at kalaunan ay iniakyat ang kaso sa Malabon RTC, na naging dahilan upang mag-isyu si Judge Salvador ng arrest warrant kontra sa akusado.
Matapos makatanggap ng tip mula sa kanyang impormante si WSS chief P/CMSgt. Gilbert Bansil na nagbalik si Serafin sa kanyang bahay sa Brgy. Longos ay agad silang nagsagawa operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)
-
Angelica, sinakyan na lang ang pagli-link sa kanila ni Zanjoe
NALI-LINK ngayon sina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo. Hindi lang kami sure kung dahil ba sila ang magkapareha sa serye at magkasama sa lock in taping o dahil sa sagot ni Angelica sa kanyang online show na “Ask Angelica” kung sino sa lahat ng leading men niya ang pinaka-favorite niya. O baka dahil […]
-
Ads June 13, 2023
-
Paalala ni PBBM sa Air Force: Keep assets ‘ready’ for deployment
PINAALALAHANAN ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang Philippine Air Force (PAF) na panatilihin ang lahat ng assets na “ready to go,” binigyang-diin ang mandato nito na maging “first line of defense against external security threats” ng bansa. Ang pahayag na ito ni Pangulong Marcos ay matapos niyang personal na inspeksyunin ang tatlong recommissioned C-130 units […]