• March 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WANTED SA PANANAKIT SA KA-LIVE-IN NA BUNTIS, ARESTADO SA MALABON

ISANG lalaking wanted dahil sa pananakit sa kanyang walong buwan buntis na live-in partner ang arestado ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Ayon kay Malabon police chief P/Col. Albert Barot, si Rickman Serafin, 30 ng Blk 14G, Lot 14, Teacher’s Village, Brgy. Longos ay dinakip dakong alas-9 ng gabi sa loob ng kanyang bahay sa bisa ng warrant of arrest na inisyu noong July 17, 2021 ni Malabon Regional Trial Court (RTC) Judge Catherine Therese Tagle-Salvador ng Branch 73 para sa kasong paglabag sa R.A. 9262 o Violence Against Women and Children’s Act.

 

 

Ani P/SMSgt. Addrich Reagan De Leon, ang kaso ay isinampa ng buntis na live-in partner ni Serafin noong December 2020 matapos siyang bugbugin ng akusado makaraan ang kanilang mainitang pagtatalo dahil umano sa selos at problema sa pera.

 

 

Nang malaman ng tiyahin ng biktima ang insidente, sinamahan nito ang pamangkin para magsampa ng reklamo sa Malabon City Prosecutor’s Office at kalaunan ay iniakyat ang kaso sa Malabon RTC, na naging dahilan upang mag-isyu si Judge Salvador ng arrest warrant kontra sa akusado.

 

 

Matapos makatanggap ng tip mula sa kanyang impormante si WSS chief P/CMSgt. Gilbert Bansil na nagbalik si Serafin sa kanyang bahay sa Brgy. Longos ay agad silang nagsagawa operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 kulong sa P102K droga sa Caloocan

    MAHIGIT P.1 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang drug suspects matapos maaresto ng pulisya sa ikinasang buy bust operation sa Caloocan City.     Kinilala ni District Drug Enforcement Uni (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera ang naarestong mga suspek na sina alyas “Fred”, 43, at alyas “John”, 19, kapwa residente ng […]

  • Duterte tatakbong VP sa 2022 elections

    Pormal nang tinanggap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pag-eendorso sa kanya ng ruling party Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) na tumakbong bise-pre­sidente sa darating na halalan sa Mayo 2022.     Inanunsiyo noong Martes ni Cabinet Secretary Karlo Alexei Nograles, exe­cutive vice president ng PDP-Laban, na pumayag na ang Pangulo sa alok ng partido […]

  • BAGONG REGIONAL DIRECTOR NG DOH-CALABARZON, PINANGALANAN NA

    MAY bago nang itinalagang Regional Director ng DOH-CALABARZON (Cavite Laguna Batangas Rizal Quezon ) sa katauhan ni Dr Paula Paz M. Sydiongco.   Si  Sydiongco ay itinalaga ni DOH Secretary Francsico T. Duque bilang bagong Officer-in-charge ng Regional Office, CALABARZON bilang kapalit ni RD Eduardo C. Janairo na nagretiro nitong November 20, 2020 sa edad […]