Wanted sa rape sa Antipolo, nakorner sa Malabon
- Published on April 2, 2025
- by @peoplesbalita
LAGLAG sa selda ang isang construction worker na akusado sa kasong statutory rape matapos masukol ng pulisya sa manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Ikinasa ng mga operatiba ng District Special Operations Unit (DSOU) ng Northern Police District (NPD) ang pagtugis sa 27-anyos na akusado na kabilang sa mga Most Wanted Persons sa Antipolo City matapos makatanggap sila ng impormasyon na nagtatago ito sa Malabon.
Ganap na alas-5:30 ng hapon nang tuluyang makorner ng mga operatiba ng DSOU ang akusado sa kanyang tinutuluyan sa Brgy. Longos ng lungsod.
Dinakip ang akusado sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong Statutory Rape under Paragraph 1D, Article 266-A of the Revised Penal Code (RPC), as amended by Republic Act 8353, in relation to Section 5(A) of Republic Act 8369 na inisyu ni Presiding Judge Monica Cecilia F. Almeda-De Mata, ng RTC Branch 72, Antipolo City, Rizal.
Walang inirekomenda ang korte na piyansa para sa pansamantalang paglaya ng akusado na ipiniit muna sa Custodial Facility Unit ng NPD habang hinihintay ang utos ng hukuman para sa paglilipat sa kanya sa Antipolo City Jail.
Pinuri naman ni NPD Acting District Director P/Col. Josefino Ligan ang DSOU para sa kanilang hindi natitinag na pangako sa pagpapatupad ng batas kung saan muli niyang pinagtibay ang dedikasyon ng NPD sa walang humpay na operasyon laban sa mga wanted na criminal. (Richard Mesa)
-
Zack Snyder’s ‘Army of The Dead’ Unveils Poster Ahead of Trailer, Set May 21st Release at Netflix
WORLDWIDE fans of SNYDER were given a special treat last week with the release of the full trailer for Zack Snyder’s Justice League. It featured Jared Leto’s Joker, giving life to the “We live in a society…” meme. Now, the director drops more details for his other upcoming film, Army of The Dead, including […]
-
Incoming PCOO secretary, itinutulak ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang
INAAYOS na ng Malakanyang na makasama ang mga bloggers sa ilan sa mga briefings sa Palasyo ng Malakanyang. Sa katunayan, sinabi ni incoming PCOO Secretary Trixie Cruz-Angeles na inaayos na nila ang accreditation ng mga bloggers sa Malakanyang. Idinagdag pa nito na kasama ito sa kanilang prayoridad. “We are […]
-
Ads November 12, 2020