Welcome back Errol Spence — Pacquiao
- Published on December 9, 2020
- by @peoplesbalita
Matagumpay ang pagbabalik-aksyon ni World Boxing Council (WBC) at International Boxing Federation (IBF) welterweight champion Errol Spence Jr.
Naitarak nito ang unanimous decision win laban kay Danny Garcia upang mapanatili ang kanyang dalawang hawak na korona kahapon sa AT&T Stadium sa Arlington, Texas.
At walang iba kundi si eight-division world champion Manny Pacquiao ang unang bumati sa tagumpay ni Spence na galing sa ilang buwang pagkakabakante matapos masangkot sa car accident noong nakaraang taon.
“Welcome back, Errol Spence Jr. Congratulations on your victory,” ayon sa post ni Pacquiao sa kanyang social media ccount.
Nanood si Pacquiao ng laban nina Spence at Garcia.
-
Eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18: KIM at PAULO, itatampok ang tatak Pinoy na kilig sa ‘What’s Wrong with Secretary Kim’
UMAAPAW na kilig at ‘tatak Pinoy’ ang ibibida nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa local adaptation ng K-drama na “What’s Wrong With Secretary Kim” na eksklusibong mapapanood sa Viu simula Marso 18. Ibinahagi ni Kim na makaka-relate ang mga manonood sa Viu original adaptation dahil ipapakita rito ang kultura ng mga Pilipino. “As proud […]
-
SEN. MANNY, PAKIPA-ABOT LANG KAY PRESIDENTE ang ISYU ng CAR PLATES at MOTOR VEHICLE INSPECTION SYSTEM
“Bakit ba sila nagagalit kay Manny dahil sinabi niyang may korapsyon sa gobyerno. Bakit wala ba?” Ito ang pahayag ni Sen. Tito Sotto na tila nagtataka sa mga galit na inani ni ni Sen. Pacquiao sa sinabi nitong talamak ang korapsyon sa pamahalaan. Galit ba sila dahil “walang korapsyon” o dahil may ambisyong […]
-
Matapos sabihan ni dating DFA Sec. del Rosario na traydor si Pangulong Duterte: Sec. Roque bumuwelta, ikaw iyon!
IKAW iyon. Ito ang buweltang tugon ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa akusasyon ni dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario na “traydor” si Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil di umano’y may impluwensiya ang bansang China sa 2016 Philippine elections para siguraduhing maupo ang Chief Executive bilang halal na Pangulo ng bansa. Kapansin-pansin […]