• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Welcome kay PDu30, paglagda sa PH-Korea free trade pact

WELCOME kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang paglagda sa Philippines-Republic of Korea (ROK) free trade agreement, araw ng Martes, Oktubre 26.

 

Sa naging talumpati ng Pangulo sa 22nd ASEAN-ROK Summit, sinabi nito na ang trade pact ay “needed for our economies to recover and bounce back,” malinaw na tumutukoy ito sa mga epekto ng coronavirus disease (COVID-19) pandemic.

 

Itinulak din ng Chief Executive ang full implementation ng ASEAN-Korea free trade agreement at maagang pagpasok sa puwersa ng Regional Comprehensive Economic Partnership Agreement.

 

Ang ASEAN-ROK Summit ay isa lamang sa mga pagpupulong sa nagpapatuloy na 38th at 39th ASEAN Summits and Related Summits, na ang tumayong host ay ang bansang Brunei.

 

Dumalo ang Pangulo sa high-level meetings virtually sa pamamagitan ng video conference.

 

Sa naging pahayag naman ng Pangulo sa 38th ASEAN Summit, binigyang diin nito ang “road to recovery” ng ASEAN mula sa COVID-19 ay matagal at mahirap habang ang rehiyon ay nananatiling hilong-talilong mula sa epekto ng pandemiya.

 

Giit ng Punong Ehekutibo, kailangang tiyakin ng ASEAN ang ” phased and comprehensive implementation” ng comprehensive recovery framework ng regional bloc.

 

Nanawagan din ang Pangulo para sa agarang pagtatatag ng ASEAN Centre on Public Health Emergencies and Emerging Diseases.

 

Ito ang huling ASEAN Summit na dadaluhan ji Pangulong Duterte bago siya bumaba sa puwesto sa Hunyo 30, 2022. (Daris Jose)

Other News
  • ANG TRACK RECORD NI MAYOR AMBEN AMANTE

    Isyu ng eleksiyon, isyu ng pagpili ng sambayanang Pilipino na mamuno sa ating bayan sa lokal man o national.     Ang malaking katanungan ng sambayanang Pilipino sa panahon ng eleksiyon ay kung sino ba talaga ang karapat-dapat na iboto sa posisyong lokal o national, ano ba ang dapat maging basehan ng isang Pilipinong botante […]

  • Ginang timbog sa sugal at shabu

    Balik-kulungan ang isang 45-anyos na ginang matapos makuhanan ng shabu makaraang maaresto ng mga pulis habang naglalaro ng cara y cruz sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni SDEU investigator PSSg Carlos Irasquin Jr. kay Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Galugad ang mga […]

  • Wright inalay ang panalo kay Bryant

    HINDI pa rin maka-move on si Matthew Wright sa pagkamatay ni National Basketball Association o NBA legend Kobe Bryant, magsisiyam na buwan na matapos ang helicopter crash na kumitil sa buhay ng kanyang idol.   Araw-araw daw pa ring naiisip ng Phoenix Super LPG guard si Los Angeles Lakers great na yumao noong Enero 26 […]