• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Welder kulong sa ice pick at shabu sa Valenzuela

NABISTO ang dalang shabu ng isang 43-anyos na welder matapos masita ng mga pulis dahil sa bitbit nitong isang improvised ice pick sa Valenzuela City.

 

 

Nahaharap sa kasong pagpabag sa Article 151 of RPC, PB6 at RA 9165 ang naarestong suspek na kinilalang si Malvin Malatamban  ng Phase 2 Hambord St. Brgy. Lawa Meycauyan, Bulacan.

 

 

Sa kanyang report kay Valenzuela police Chief Col. Salvador Destura Jr, sinabi ni PSSg Carlos Erasquin Jr, habang naka-duty sina PSMS Roberto Santillan at Pat Leonardo Quimson, kapwa ng Sub-Station 6 ng Valenzuela police sa Valenzuela Memorial Cemetery nang maispatan nila ang suspek na naglalakad sa C. Molina St. Brgy. Veinte Reales dakong alas-5 ng hapon at may hawak na improvised ice pick.

 

 

Nilapitan siya at sinita ng dalawa saka nagpakilalang mga pulis at nang aarestuhin na ang suspek dahil sa dalang deadly weapon ay pumalag ito at kumaripas ng takbo.

 

 

Hinabol siya ng mga pulis hanggang sa makorner at maaresto kung saan nakumpiska sa kanya ang naturang ice pick at nang kapkapan ay nakuha pa sa kanya ni PSMS Santillan ang isang heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng abot isang gramo ng hinihinalang shabu na nasa P6,800 ang halaga. (Richard Mesa)

Other News
  • Ayuda sa Abril 6 masisimulang maibigay – DILG

    Sa Martes, Abril 6, o sa Miyerkules, Abril 7, pa maaaring matanggap ng mga residente sa National Capital Region (NCR) Plus areas ang ayuda mula sa pamahalaan.       Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Undersecretary Jonathan Malaya, maaring bukas pa kasi maibababa ng Bureau of Treasury ang pondo sa mga […]

  • Um-attend sa wedding ng sister na si Cloie sa Sweden… KC, puring-puri ng netizens at tinawag na ‘Pambansang Sister’

    PURING-PURI ng mga netizens si KC Concepcion na pagiging mabait at mapagmahal sa mga kapatid niya sa amang si Gabby Concepcion.   Sa latest IG post niya, umattend siya ng wedding ng half-sister niya na si Cloie Syquia (anak ni Jenny Syquia) na kinasal kay Fredrik Hill na ginanap sa Stockholm, Sweden.   Ibinahagi niya […]

  • Department of Transportation, iaalok na rin ang fare discount

    IAALOK na rin sa piling mga ruta sa buong bansa ang proposed fare discount para sa public utility vehicles o (PUVs) na ipatutupad sa darating na Abril.     Matatandaan na nakikipagtulungan na ang ahensya ng transportasyon sa Land transportation franchising and regulatory board at sa mga lokal na pamahalaan upang matukoy ang mga ruta […]