White sumungkit ng 12 medals sa Thailand
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
HUMAKOT ng 12 medalya si Filipino-British Hannah White kabilang na ang pagbasag sa tatlong rekord sa swimming competition ng 2025 Fobisia Games na ginanap sa Pattana Sports Resort sa Chonburi, Thailand.
Nagparamdam ng lakas ang pambato ng ABC International School (ABCIS) na si White sa girls’ 50m butterfly kung saan naitala nito ang bagong rekord na 30.81 segundo.
Muling bumasag ng rekord si White sa 100m Individual Medley nang ilista nito ang 1:12.09 habang bahagi rin ito ng ABCIS team na nagsumite ng bagong marka na 58.80 segundo sa girls’ 4x25m freestyle relay.
Nagkaroon pa ng extra gintong medalya si White dahil binigyan ng parangal ang lahat ng mga nakapagtala ng bagong rekord sa swimming event.
Maliban sa tatlong ginto, may isang pilak pa itong nakuha sa medley relay.
Hindi lamang sa swimming sumabak si White dahil nasilayan din sa aksyon ang multi-talented athletes sa athletics, basketball at football events.
Sa athletics, humataw din ng gintong medalya si White sa girls’ 1,500m run habang may isang pilak ito sa girls’ 800m run at dalawang tanso naman sa girls’ high jump at girls’ 4x100m relay.
Bahagi si White ng girls team na nagkampeon sa basketball event habang nagkasya lamang sa ikalimang puwesto ang kanilang tropa sa football competition
“We would like to thank team captain Hannah White for leading by example and all he ABCIS squad for their hard work and dedication. They showed that if you prepare correctly and are willing to put time in them, anything is possible,” ani Smith.
Nagpasalamat din si White sa mga coaches nito kabilang na kay basketball coach Rob Jessop na nagmamay-ari ng Gators Athletic Perfomance Basketball sa Vietnam.
“It’s been such a long three days of competition as Hannah has to do four different sports like athletics, swimming, basketball and football. Hannah broke three Fobisia Games records in swimming. Thank you Hannah for bringing the very best. We are extremely proud of you,” ani Jenny White ang proud mother ni Hannah.
Si Hannah ay isa lamang sa tatlong White siblings na swimmers.
Naging bahagi ng national junior swimming team ang nakatatanda nitong kapatid na sina Heather at Ruben na kasalukuyang nag-aaral sa Amerika at Great Britain, ayon sa pagkakasunod.
-
INAGURASYON NI PBBM, KASADO NA
KASADO na ang paghahanda ng Manila Police District (MPD) katuwang ng ilang ahensya ng gobyerno para sa inagurasyon ni President Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Ayon kay MPD Director Brig. Gen.Leo Francisco, nasa final phase na at okay na lahat ng paghahanda para sa ipapatupad na seguridad sa inagurasyon. “Final phase […]
-
Carl’s Story Resumes in the Upcoming ‘Dug Days’ Short
IN Up, Carl and Ellie’s journey through life together has truly left a mark as one of the most memorable sequences in a Pixar film, and continues to tug at our heartstrings even after 14 years since the movie was first released. This year, Carl’s story continues with an upcoming Dug Days short subtitled Carl’s Date. Further details […]
-
QCINEMA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL GOES HYBRID FOR 2020!
DESPITE the COVID-19 pandemic, the love for cinema does not stop as the QCinema International Film Festival goes hybrid for 2020! Running from November 27 to December 5, the festival will hold screenings in an outdoor venue and online, via the TVOD platform UPSTREAM. According to festival director, Ed Lejano, they decided to […]