WHO idineklarang ‘pandemic’ ang COVID-19
- Published on March 13, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ng World Health Organization (WHO) na hindi dapat ipagsawalang-bahala ang pagiging pandemic ng sakit.
Noong kasagsagan ng pagdami ng tinatamaan ng sakit na SARS hindi idineklara ng WHO na ito ay nasa pandemic level.
Huling ginamit ng WHO ang deklarasyon ng “pandemic” sa 2009 H1N1 o swine flu outbreak, pero binawi rin ang deklarasyon kalaunan.
Kinategorya ng World Health Organization ang outbreak ng new coronavirus bilang pandemic, ayon kay WHO Director General Tedros Adhanom Ghebreyesus.
“We are deeply concerned both by the alarming levels of spread and severity and by the alarming levels of inaction. We have therefore made the assessment that COVID-19 can be characterized as a pandemic,” aniya sa isang news conference.
Maaalalang noong Enero 30, idinekalra ng WHO ang public health emergency kung saan ilang bansa na rin ang nagpositibo sa kaso ng COVID-19.
Sa ngayon, mayroong 118,000 kaso sa 114 bansa at 4,291 na ang nasawi.
Samantala, inaasahan pang tataas pa ang naturang bilang dahil sa malawakang pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
Apektado na kasi ng virus ang 6 kontinente sa mundo, o aabot sa higit 100 bansa.
“There are now more than 118,000 cases in 114 countries, and 4,291 people have lost their lives,” ani ng WHO director Tedros Adhanom Ghebreyesus.
Pero paano nga ba humantong sa pandemic ang naturang virus—na nagmula sa Wuhan City sa Hubei Province ng China—at ano ang malawakang ibig sabihin nito?
Ayon sa WHO, ang pag-deklara sa COVID-19 bilang pandemic ay walang kaakibat na bagong funding at hindi rin magsusulong ang anunsiyo ng bagong protocols, bagkus, isa lamang itong pagkilala sa bagsik ng pagkalat ng virus.
Matagal iniwasan ng WHO na tawaging pandemic ang sakit, lalo’t maaari raw itong magdulot ng panic kapag hindi wastong nagamit.
“Pandemic is not a word to use lightly or carelessly. It is a word that, if misused, can cause unreasonable fear, or unjustified acceptance that the fight is over, leading to unnecessary suffering and death,” babala ni Ghebreyesus.
Kasabay ng deklarasyon ng WHO, sinabi ng Department of Health (DOH) na pinaghahandaan na nila ang mga susunod na hakbang para hindi na lalong kumalat ang sakit sa Pilipinas.
“Kahit noong isang araw pa, nag-uusap na ang mga ahensya para sa iba pa pong stratehiya para maitaas natin ang antas ng pagresponde,” sabi naman ni Health Assistant Secretary Maria Rosario Vergeire.
“Kasama na po d’yan ang pagtingin natin doon sa mga [travel] restrictions natin from other countries na may mga localized transmissions,” dagdag niya.
-
M. Night Shyamalan’s Upcoming Thriller Film ‘Old’ Releases A Mysterious Trailer
A new mysterious trailer has been released for M. Night Shyamalan’s upcoming thriller film, Old. M.Night Shyamalan has been on a bit of a roll in the last year few years, turning around his reputation for the better with projects like Splitand The Visit. Now it looks like he could have another critical and commercial success […]
-
Gaerlan, itinalaga ni PBBM bilang AFP deputy chief of staff
OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Marine commandant Major General Charlton Sean Gaerlan bilang deputy chief of staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ito ang pangatlong pinakamataas na opisyal sa militar. Pormal namang naupo si Gaerlan sa kanyang posisyon sa AFP general headquarters sa Camp Aguinaldo […]
-
Sinasala na mga nominado sa Philippine Sports Hall of Fame
NAGSARA na pala ang nominasyon para sa ikaapat na grupo na mga nakatakdang iluluklok sa 2021 Philippine Sports Hall of Fame (PSHOF) nito lang Linggo, Enero 31. Sinimulan na ring salain na ang screening ng dalawang komite ng PHSOF mga kandidato para sa mga pinal na mapipili na pararangalan sa okasyon sa taong […]