• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WHO, suportado ang third Covid-19 dose

INIREKOMENDA ng World Health Organization (WHO), araw ng Huwebes ang pagbabakuna ng third dose ng COVID-19 vaccine para sa mg taong may immunocompromised condition o hindi kayang makapag- develop ng full immunity matapos ang dalawang doses.

 

“We are now in a position to say that for people with immunocompromised conditions who have been unable to develop full immunity, WHO is supporting a third dose as an extended primary course,” ayon kay WHO Representative to the Philippines Dr. Rabindra Abeyasinghe sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Even if they are less than 60 years old, we will advocate for the third dose,” dagdag na pahayag nito.

 

Paglilinaw ni Abeyasinghe, ang third dose ay iba mula sa boosters para sa general population.

 

Sinabi pa niya na inirekomenda ng WHO ang third dose para sa mga taong kabilang sa A2 population, o elderly population, na nakatanggap ng primary vaccination course gamit ang Sinovac o Sinopharm na makatanggap ng third dose ng kahalintulad na vaccine brand “to potentiate its immunogenicity.”

 

“Our recommendation now is that in addition to immunocompromised individuals, that we include all individuals who have received primary vaccination course of two doses with Sinovac or Sinopharm to receive a third dose, provided it’s more than three months since the completion of the first two doses,” paglilinaw pa rin ni Abeyasinghe.

 

“We don’t have a recommendation for general population,” dagdag na pahayag ni Abeyasinghe. (Daris Jose)

Other News
  • Winner ang experience niya sa ‘BIFF’: ROCCO, pinuri ang Barong Tagalog ng Korean Oppas na naka-bonding sa event

    HINDI man nanalo ang pelikula nilang Motherland, winner pa rin ang experience ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa pagdalo niya sa Busan International Film Festival.   Proud na ipinakita ng aktor ang kaniyang Barong Tagalog na pinuri ng mga Korean Oppa na naka-bonding sa event.   Nagpunta kamakailan si Rocco sa South Korea […]

  • ROBI at ICE, eeksena sa ‘4th EDDYS’ ng SPEEd na gaganapin sa Easter Sunday

    MAGKAKAALAMAN na sa April 4, Easter Sunday, kung sinu-sino ang tatanghaling pinakamagagaling sa mundo ng pelikula ngayong taon sa gaganaping 4th EDDYS (Entertainment Editors’ Choice).     Tuluy na tuloy na ang pamimigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaapat na edisyon ng The EDDYS sa mismong Linggo ng Pagkabuhay, 8 […]

  • GM TAI pinangunahan ang inspeksyon ng proyekto sa pabahay; inagurasyon ng tanggapan ng NHA sa Navotas

    PINANGUNAHAN ni National Housing Authority (NHA) General Manager Joeben Tai, ang inspeksyon ng Arkong Bato Housing Project sa Lungsod ng Valenzuela upang matiyak ang kalidad at napapanahong pagtatapos ng proyekto.   Matatagpuan sa loob ng lungsod, ang Arkong Bato Housing Project ay sumasalamin sa dedikasyon ng NHA sa in-city development. Ang proyekto ay nakalaan para sa […]