WILLIE, kinumpirma na ‘di na tuloy ang sitcom nila ni JOHN LLOYD kasama si ANDREA; aktor nali-link naman kay KATRINA
- Published on June 30, 2021
- by @peoplesbalita
MARAMING nagulat nang lumabas ang issue na hindi na tuloy ang paggawa ni John Lloyd Cruz ng project na ipu-produce ni Willie Revillame, na may nakita raw siyang ugali sa actor na hindi niya nagustuhan.
Walang narinig naman na sinabi si Willie at wala rin namang narinig mula kay Lloydie.
Finally, nagsalita na rin si Willie tungkol sa issue sa kanila ni Lloydie, na hindi na raw matutuloy ang sinabi niya noon na igagawa niya ng sitcom ang actor sa GMA Network at makakatambal nito si Andrea Torres.
Masyado na raw busy ngayon si Willie para mag-produce ng isa pang TV show dahil may daily show na nga siyang Wowowin: Tutok To Win.
Marami na raw siyang inaasikaso ngayon, tulad ng patuloy niyang pag-ayuda sa mga kababayan natin dahil sa pandemya, na ang mga recipients niya ngayon ay mga taga-malalayong probinsiya. Kasabay nito ay ang pagpapatayo raw niya ng hotel sa Mindoro at sa Tagaytay.
Pero nilinaw pa rin ni Willie na wala silang hidwaan ni Lloydie at patuloy pa rin niyang susuportahan ang actor sa anumang maaari niyang maitulong dito.
***
STILL on John Lloyd Cruz.
Maraming nagtatanong kung may relasyon daw ba si JLC at ang Kapuso actress na si Katrina Halili, dahil sa Instagram post nito sa pagbati niya ng ‘happy birthday’ sa actor na gamit niya ay mga photos nila ni JLC, kasama ang anak nitong si Elias.
Birthday ni JLC last June 24 at Elias naman turned 3 years old on June 27.
Napanood na noon sa youtube na magkasama sina JLC, Katrina at Elias, enjoying a swim in El Nido, Palawan.
Taga-El Nido si Katrina na may real estate investments doon, may farm and resort din siya at ang family niya roon. Mayroon din daw namang property si JLC sa Palawan na balak niyang patayuan ng bahay at magpatayo rin ng business doon.
Hindi kataka-taka ngayon kung pagtambalin sina Katrina at JLC ng GMA Network sa isang upcoming project. Pero paano kaya, balita kasing magsisimula na ang lock-in taping sa August ng hinihintay na ng mga netizens, ang book 2 ng Prima Donnas na tampok sina Katrina, Wendell Ramos, Aiko Melendez at ang mga prima donnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan at Sofia Pablo.
***
SUNUD-SUNOD din ang pagri-renew ng contract ng GMA Network sa kanilang mga exclusive contract stars.
Last June 24, pinatunayan muli ni Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, ang kanyang loyalty, nang muli siyang pumirma ng exclusive contract, sa Kapuso Network.
Sa contract signing, naging emosyonal si Christian habang nagpapasalamat sa patuloy daw na pagtitiwala sa kanyang talent ng network. Sa loob ng eight years ay nakagawa na siya ng iba’t ibang shows sa kanila, naka-travel siya sa iba’t ibang lugar sa mundo.
Nagpasalamat din siya sa friendship ng kapwa niya talents ng network.
Regularly napapanood si Christian every Sunday sa noontime variety show na All-Out Sundays, muli siyang magiging isa sa mga judges sa The Clash Season 4, at pangungunahan niya ang Still: A Viu Original Musical narrative series, with Asia’s Pop Diva Julie Anne San Jose.
(NORA V. CALDERON)
-
Alfred Vargas to Star with Philippine Cinema Icons in ‘Pieta’
ALFRED Vargas continues to challenge himself as an actor and producer with his new project ‘Pieta’ which will start filming this February. He will be playing the role of Isaac, who was just released from prison but believes he is wrongfully accused for the killing of his father years ago when he was […]
-
SHARON, ‘di na naman nakapagpigil at tinawag na ‘engot’ ang basher; ipinagmalaki na may ‘X-Factor’
HINDI na naman napigilan ni Megastar Sharon Cuneta na patulan ang tila panglalait ng isang basher na nag-comment sa kanyang picture post sa Instagram na kuha nasa taping ng Your Face Sounds Familiar. Caption ni Mega, “Girl in love and so loved! And not cutting her hair short. Repost from @gens_khaycee78. My barbie […]
-
KRIS, nagdesisyon na maninirahan na sa Tarlac kasama sina JOSH at BIMBY
NAGBAGO na pala ng plano si Kris Aquino kung saan siya susunod na lilipat ng tirahan. Kung dati ang gusto niya ay bumili ng isang beachfront house, na titirahan niya ng ilang buwan, hanggang sa makahanap siya ng susunod na titirahan para malayo siya sa city. At ang balak niya, ay […]