• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Willing maghintay kung kailan puwedeng ligawan: JEFF, dinadaan na lang sa tawa ang pamba-basted ni JILLIAN

Willing maghintay kung kailan puwedeng ligawan:
JEFF, dinadaan na lang sa tawa ang pamba-basted ni JILLIAN
 
DINADAAN na lang ng Sparkle hunk na si Jeff Moses sa tawa tuwing inuungkat ang pamba-basted daw sa kanya ni Jillian Ward.
Kahit na itanggi pa niya na okey lang na hindi raw muna nagpapaligaw si Jillian, makikita sa mga mata niya na umaasa ito na magiging sila ni Jillian balang-araw.
“Mahalaga po sa akin si Jillian. Two years kaming nagpasaya ng mga televiewers as Analyn and Reagan sa ‘Abot-Kamay Na Pangarap.’ Ang importante po ay magkaibigan pa rin kami,” ngiti ni Jeff sa mediacon ng ‘Binibining Marikit.’
Pero mukhang nabuhayan ng pag-asa si Jeff nang may magsabi sa kanya na hindi raw puwedeng ligawan ni Michael Sager si Jillian dahil girlfriend na nito si Cassy Legaspi.
Ayon kay Jeff, willing siyang maghintay kay Jillian at kung ready na raw itong magka-boyfriend, nandiyan lang daw siya parati.
***
IPINAKITA ng ‘Mga Batang Riles’ boys na sina Miguel Tanfelix, Kokoy de Santos, Raheel Bhyria, at Anton Vinzon ang kanilang bagong looks para sa serye at kasabay umano nito, ay ang bagong misyon ng kanilang mga karakter.
Ibinahagi nina Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton na malaking effort para sa kanila ang pagbabago ng kanilang looks.
Ngunit para kay Miguel, exciting at na-enjoy niya umano ang pagbabago ng kanilang mga itsura sa serye.
“Very exciting kasi ako, mahilig naman po talaga akong mag-experiment sa mga hairstyles kaya ito, na-enjoy ko talaga ito kasi first time kong magpaganitong itsura ng buhok. Atsaka feeling ko naman, bumabagay naman sa character ni Kidlat e,” sabi ng aktor.
Dahil unique ang buhok ni Kokoy, kinailangan niya umanong humingi ng tulong sa kaniyang ina at mga kapatid sa kung anong look nag babagay para sa kaniya, at sa karakter niyang si Kulot.
“Humingi ako ng tulong po sa Ermats ko atsaka sa mga kapatid ko ano ba ‘ yung pwede. Hindi lang dahil sa look ko as Kokoy, ‘yung babagay na transition para kay Kulot,” sabi ni Kokoy.
Kasabay ng pagbabago ng kanilang itsura ay ang pagbabago rin ng misyon ng Riles Boys sa kanilang buhay. Ayon kay Anton, mas mature na sila ngayon kumpara sa mga naunang episodes ng serye.
“More mature na po kami dito, responsibility na namin ‘yung pamilya namin ngayon, so ayun po, more mature and more skills, mga fighting skills po namin dito,” sabi ng aktor.
Dagdag naman ni Raheel, “Natuto na po sila lumaban so mas makikita na po nila na mas may porma sila sa paglalaban nila, hindi na lang basta-basta na away kalye.”
Excited na rin sina Miguel, Kokoy, Raheel, at Anton sa nagiging takbo ng kuwento ngayon ng Mga Batang Riles, lalo na’t may mga nakakasama silang guest stars. Ilan na dito ay sina Ai-Ai delas Alas at Caitlyn Stave. Makakasama rin nila so Joem Bascon sa serye.
Sey naman ni Miguel patungkol sa kailang guest stars, “Nabasa ko ‘ yung script tapos kapag ilalagay ko sila sa character na nakasulat sa script, parang lalong gumaganda po ‘yung storya, bagay na bagay sa kanila.”
***
KINUMPIRMA ng Hollywood actress na si Sarah Michelle Gellar na magkakaroon ng reboot ang kanyang pinagbidahan noon na series na ‘Buffy the Vampire Slayer.’
Umere ang naturang show for 7 seasons mula 1997 hanggang 2003. Ang Oscar-winning director na si Chloé Zhao and nag-convince sa kanya na buhayin ulit si Buffy.
“When Chloé Zhao first came to me, I was so overwhelmed. I mean, she’s one of the only women to ever win the Academy Award as Best Director. She said, ‘I have this idea and I can’t do it without you,’ and I was like, ‘Uhhh.’ We will only do it if we can do it right and honor that legacy and extend it, but it just seems like the world needs a superhero right now.”
Hoping din ang 47-year old actress na ma-reunite sa iba pang cast members tulad nila Alyson Hannigan, Nicholas Brendon, James Marster, David Boreanaz, Michelle Trachtenberg and Anthony Head.
(RUEL J. MENDOZA)
Other News
  • Legarda mainit na tinanggap sa Ilocos Sur

    TUMULAK patungong Ilocos Sur kahapon si House Deputy Speaker at UniTeam senatorial bet Loren Legarda upang muling hingin ang basbas ng lalawigan kung saan tatlong ulit siyang naging number one senator sa mga nagdaang halalan.     Sa kanyang pagbisita sa lalawigan, nangako si Legarda na ipagpapatuloy ang mga programang magbibigay ng trabaho, livelihood assistance […]

  • Historic win: World’s No. 1 Ashleigh Barty kampeon sa women’s Australian Open

    NAGTALA ngayon ng kasaysayan ang world’s number one na si Ashleigh Barty matapos na bigyan niya ng korona ang Australia nang masungkit ang women’s singles title sa Australian Open sa loob ng dalawang sets laban kay Danielle Collins ng Amerika sa score na 6-3, 7-6(2).     Hindi binigo ni Barty ang kanyang mga kababayan […]

  • JENNYLYN, kinutuban pero wala talagang idea sa pagpo-propose ni DENNIS; wish nila na magkaroon naman ng baby girl

    “WE are getting married,” pahayag ng mga Kapuso stars na sina Dennis Trillo at Jennylyn Mercado sa “Chika Minute” ng 24 Oras last Friday, October 29.      Inamin na rin ni Dennis na isang intimate at simple, but heartfelt proposal lamang ang ginawa niya.     “Wala akong idea tungkol sa proposal,” sabi ni […]