WINWYN, may boyfriend na pero ‘di lang makakasama ngayong Valentine’s Day
- Published on February 13, 2021
- by @peoplesbalita
KINUMPIRMA ni Reina Hispanoamericana 2017 Winwyn Marquez may special someone na siya kaya hindi siya single ngayong Valentine’s Day.
Kaso ay hindi raw sila magkakasama ng boyfriend niya dahil nasa lock-in taping pa si Winwyn ng Owe My Love.
“I’m not single anymore. So happy. Kahit naman nandito sa lock-in taping, nakukuwento ko din ‘yung story ko, ‘yung nangyari sa akin, ganyan, kung paano nakahanap ng new love with my castmates, and it’s such a refreshing thing kasi ang dami nilang nabibigay na advice.
“And hindi ako nalulungkot, siyempre kasi feeling ko nandito na rin siya. So happy naman, happy ‘yung heart ko. Kahit malayo ‘yung loved one ko, okay lang. ‘saka na kami magkikita, after lock-in.”
Happy rin si Winwyn para sa ex-boyfriend niyang si Mark Herras dahil sa pagkakaroon nito ng baby boy with fiancee Nicole Donesa.
“I haven’t talked to him since we broke up and wala pa kaming chance to work together or guesting. Pero siyempre if I see him or magkaroon kami ng chance magtrabaho ulit, siyempre I’ll congratulate him.”
***
PAREHO raw wala pang plano sa Valentine’s Day sina Sef Cadayona at Andre Paras dahil sabay daw silang manonood ng pilot episode ng game show nila na Game of the Gens.
Kahit na may non-showbiz girlfriend si Sef, wala siyang sine-share na plans niya sa Araw ng mga Puso.
“Tututok kami ni Andre sa pilot episode ng Game of the Gens, kaya si Andre siguro date ko!” tawa pa ni Sef.
Inamin ni Andre na isa si Sef sa hinahangaan niya pagdating sa comedy, kaya proud siyang maka-partner ito sa isang game show.
“Sef is one of the great dancer, actor tapos comedian pa. For someone who looks up to people, to comedy also its surreal and we’re thankful na they give us the show, and kasama ko yung isa sa mga idol ko sa showbiz, I am very proud that we’ll be able to make the guests feel at home.”
Sa first episode nila, si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza at ang kanyang daddy na si Mr. Antonio “Tony” Forteza ang maglalaro at makakalaban nila sina Ruru Madrid at Ms. Snooky Serna. (RUEL J. MENDOZA)
-
‘Morbius’ Expands Sony’s Universe of Marvel Characters
ONE of the most compelling and conflicted characters in Sony Pictures Universe of Marvel Characters comes to the big screen in the action-thriller Morbius as Oscar® winner Jared Leto transforms into the enigmatic antihero Michael Morbius. Watch Morbius’ Universe Vignette below: https://www.youtube.com/watch?v=T1caCRuCCnc Dangerously ill with a rare blood disorder and determined to save […]
-
SUPORTA SA UNITEAM DUMAGUNDONG SA ‘TIGER CITY’
NAG-UUMAPAW ang suportang binigay ng mga Mandalenyo kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. nang magsagawa ito ng proclamation rally sa kilalang bansag na ‘Tiger City” o sa Lungsod ng Mandaluyong. Tanghali pa lang ay nakapuwesto na ang libo-libong mga supporters ng BBM-Sara UniTeam, samantalang alas singko ng hapon ‘saktong nagsimula ang programa […]
-
Evacuees kay ‘Odette’ tinututukan vs COVID-19
Nagbabala ang health expert na si Dr. Tony Leachon sa posibilidad na kumalat ang COVID-19 sa Visayas at Mindanao dahil sa pagsisiksikan ng mga nasalantang pamilya sa mga evacuation centers. Ipinaalala ni Leachon, dating tagapayo ng gobyerno sa COVID-19, na importante na ma-monitor ng pamahalaan ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng […]