Wish na makapag-crossover din sa ‘Widow’s War’: RABIYA, pangarap na mabingi sa malakas na sampal ni JEAN
- Published on October 1, 2024
- by @peoplesbalita
TYPE palang magpasampal ni Rabiya Mateo kay Jean Garcia sa teleserye na ‘Widow’s War’.
Wish ng former Miss Universe Philippines 2020 na mag-crossover ang character niyang si Tasha na galing sa teleserye na ‘Royal Blood’.
“I’m open to the idea na si Tasha papasok sa Widows’ War. At sana makaeksena niya ang isang Jean Garcia, ‘di ba? Masampal man lang siya ni Aurora.
Pangarap ko ‘yon na mabingi sa sampal ni Ms. Jean Garcia!” tawa pa niya.
May ilang characters from ‘Royal Blood’ ang tumawid sa ‘Widows’ War’ tulad nila Lianne Valentin, James Graham, Charlie Fleming, Lee Victor at Arthur Solinap na galing din ang character sa ‘Widows’ Web’ na pinanggalingan din ni Vaness del Moral.
Pero tumaas ang kilay ng mga marites sa sinabi ni Rabiya. Baka raw ang dahilan kung bakit type niyang lumabas sa ‘Widows’ War’ ay hindi dahil kay Jean kundi kay Jeric Gonzales. Balita kasing hiwalay na naman sila at in-unfollow niya sa social media ang Kapuso actor.
***
NAGBUNGA ang mahusay na pagganap ni Brent Valdez sa teleserye na ‘Widows’ War’. Ngayon ay kasama siya sa cast ng ‘One More Chance’, The Musical ng PETA.
Nag-debut performance si Brent noong September 27 bilang si Kenneth na ginampanan ni James Blanco sa 2007 movie version.
“Sobrang fulfilling. After months of training, preparation, maraming emotions ‘yung kinailangang paghandaan para dito sa musical na ito.
“Hindi ko lubos akalain na magagawa ko. May times na tinatanong ko ‘yung sarili ko, ‘Kaya ko pa ba ‘to?’ But, I’m grateful to everyone for the love and support,” sey ni Brent na na-challenge sa pinagsabay na dancing, singing, and acting.
Ang gumaganap na Popoy at Basha sa naturang musical ay sina Sam Concepcion at Anna Luna. Tatakbo ito until October 27 sa PETA Theater Center, New Manila, Quezon City.
***
PUMANAW sa edad na 88 ang country music icon and Hollywood film and TV actor na si Kris Kristofferson.
Tahimik itong namaalam sa kanyang pamilya sa Maui, Hawaii noong Sept. 28.
Pinasikat ni Kris ang mga sinulat niyang country songs tulad ng Why Me, Highwayman, Bobby McGee at For The Good Time. Naging wife niya ang singer na si Rita Coolidge in 1960 at nag-divorce sila in 1969.
Naging leading man siya ni Barbra Streisand sa pelikulang ‘A Star is Born’ in 1976. Ginawa rin niya ang mga pelikulang ‘Alice Doesn’t Live Here Anymore’, ‘Heaven’s Gate’, ‘Lone Star’ at ang ‘Blade’ film trilogy.
In 2004, Kris was inducted into the Country Music Hall of Fame.
(RUEL J. MENDOZA)
-
Abalos kay Azurin, CCTV footage “speaks for itself”
SINABI ni Interior Secretary Benhur Abalos na ang CCTV footage ay “speaks for itself” sa di umano’y cover-up attempt o pagtatangka umanong itago ang serye ng mga operasyon na ikinasa noong Oktubre 2022 lalo na ang nakulimbat na P6.7 bilyong halaga ng shabu ng ilang pulis. Ang pahayag na ito ni Abalos ay […]
-
PBBM, nais na nakatutok sa gov’t response sa mga flood-hit victims
IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang isang “very focused” na pagtugon ng pamahalaan at aid distribution sa mga apektado ng Super Typhoon Carina-malakas na Habagat. Inihayag ng Pangulo ang nasabing direktiba sa isang situation briefing sa Palasyo ng Malakanyang, araw ng Huwebes, Hulyo 25 bago pa nagsagawa ng pag-inspeksyon sa mga apektadong lugar sa […]
-
Sa biggest OPM event na hatid ng Puregold: SB19, BINI, Flow G, at SunKissed Lola, mambubulabog sa Big Dome
HUMANDA na para sa pinakamalaking pagdiriwang ng Original Pinoy Music (OPM) ngayon, at ang mga kwento sa likod ng tagumpay ng mga chart-topping hits na ito, mula sa paghahandog ng Puregold ng “Nasa Ating Ang Panalo” concert sa Hulyo 12, 2024, 7 p.m, sa Araneta Coliseum. Ang selebrasyon ng pasasalamat, na […]