• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Wish ng fans, isang magandang project: ALDEN, nakitang kasama si PAOLO at top GMA executives

AFTER manalo ng Best Supporting Actor award si Juancho Trivino as Padre Salvi at Best Director award si Zig Dulay, para sa top-rating GMA historical fantasy portal series na “Maria Clara at Ibarra,” nakapagtataka ba kung susunod namang mananalo ng award si Dennis Trillo, as Crisostomo Ibarra.

 

 

Sa isang makapanindig-balahibong eksenang napanood sa serye last Friday evening, January 6,  na kitang-kita ang emosyon niya sa role na kanyang ginagampanan.

 

 

Ayon sa ilang netizens, marami na raw nagampanang role si Dennis na mahuhusay niyang nai-perform, pero ito raw sa #MCI ang pinakamahusay niyang portrayal so far.

 

 

Hindi lamang sila, umani na rin ng mga papuri si Tirso Cruz III bilang si Padre Damaso, si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza sa pag-portray niya bilang isang Gen-Z character na si Klay, si Julie Anne San Jose bilang si Maria Clara, at napansin din ang husay ni Kapuso actor David Licauco bilang si Fidel, at si Andrea Torres bilang ang baliw na si Sisa.

 

 

Ang “Maria Clara at Ibarra” ay napapanood gabi-gabi, 8PM, after ‘24 Oras’ sa GMA-7.

 

 

                                                            ***

 

 

ISA rin palang Mobile Legend player si Kapuso actress Shaira Diaz, at isa siya sa nag-register as a participant in the Myriad Esports Cup organized by Asia’s Multimedia Star Alden Richards.

 

 

Nag-attend na si Shaira ng Myriad Esports Cup Masterclass, na nag-orient sa mga participants ng sasali sa tournament.

 

 

November, 2022 nag-announce si Alden na sa January 28, 2023 ang opening ng amateur league teams na ang mga winners ay makatatanggap ng P250,000 total prize pool – pero last December Alden announced that the prize pool had increased to P500,000.

 

 

Alden founded Myriad Esports, a gaming video creator company that livestreasm Mobile Legends games with its inaugural stream held last August, 2022.

 

 

Ayon kay Alden, ang Myriad Corporation ang newest business venture niya at nauna nga rito ay isa siya sa naging producers ng very successful Eraserhead reunion concert na “Huling El Bimbo” on December 22, 2022.

 

 

Samantala, maraming nagtatanong kung may binubuo bang project na pagsasamahan nina Alden at Kapuso actor Paolo Contis, matapos silang makitang kasama ng mga top executives ng Sparkles GMA Artist Center, with Annette Gozon-Valdez and Mr. Johnny Manahan sa penthouse ni Alden.

 

 

Wish ng mga fans na isa raw sanang magandang project ang gagawin nila for Alden.

 

***

 

 

ISA na palang freelancer actor ngayon si Joross Gamboa, matapos niyang umalis sa ABS-CBN.

 

 

Kaya isa siya sa bibida sa bagong GMA teleserye, ang “The Missing Husband,” na magtatampok din kina Yasmien Kurdi, Rocco Nacino, Jak Roberto, Sophie Albert and Nadine Samonte.

 

 

Ang serye rin ang muling magpapabalik kay Nadine sa pag-arte, ang first StarStruck avenger, matapos niyang huminto sa pag-aartista, 8 years ago, after nilang magpakasal ng husband niyang si Richard Chua, na anak ni Kapuso actress Isabel Rivas.

 

 

Anytime now ay magsisimula nang mag-taping ang “The Missing Husband.”

 (NORA V. CALDERON)  

Other News
  • Bulacan, wagi ng iba’t ibang parangal sa TOPS Regional Award 2021

    LUNGSOD NG MALOLOS – Tumanggap ang Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare and Development Office ng tatlong malalaking parangal sa katatapos lamang na The Outstanding Population Structure (TOPS) Regional Award 2021 na pinangunahan ng Commission on Population and Development-Region III noong Miyerkules, Disyembre 15, 2021 sa Lungsod ng San Fernando, Pampanga para […]

  • Ads June 9, 2021

  • Bagong taxiway, CAAP building sa MCIA nagkaraon ng inagurasyon

    Nagkaron ng inagurasyon ang bagong pinalaki at pinalawak na taxiway at building ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa Mactan-Cebu International Airport (MCIA) na nasa Lapu-lapu City noong nakaraang April 5, 2021.     Ang nasabing inagurasyon ay isang hudyat na ang pamahalaan ay sinusulong ang pagkakaron ng growth at development sa Visayas […]