Wish ni PBBM, koronasyon ni King Charles makapagdadala ng kapayapaan kasaganaan at progreso sa UK, Commonwealth
- Published on May 9, 2023
- by @peoplesbalita
WISH ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na ang koronasyon ng Kanyang Kamahalan King Charles III ay nangangahulugan ng kapayapaan at kasaganaan para sa United Kingdom at Commonwealth.
Si Pangulong Marcos ay kabilang sa mga heads of states na dumalo sa koronasyon ni King Charles III at Kanyang Kamahalan Queen Camilla sa Westminster Abbey sa nito lamang Mayo 6.
“It was as grand and magnificent a ceremony as could have been, full of symbolism and weighted by history. It was a great honor for me to represent the Philippines on such a historic occasion,” ayon kay Pangulong Marcos sa isang kalatas.
“Filipinos wish His Majesty King Charles III a long and happy reign. May his Coronation signify the start of a new chapter of peace, progress, and prosperity for the United Kingdom and the Commonwealth,” dagdag na pahayag nito.
Winika pa ng Chief Executive na napag-usapan nila ang kanyang ina na si dating Unang GInang Imelda Marcos.
“He asked after his friend, my mother, former First Lady Imelda Marcos, and recounted fond memories of the time they shared together,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Sa gitna ng koronasyon, binigyang diin ng Pangulo ang “thriving relationship” sa pagitan ng Pilipinas at UK.
“We underscore the thriving relationship between the Philippines and the United Kingdom, which has been promising in increasing trade, investment, and cultural exchanges for the Filipino people,” ayon sa Pangulo. (Daris Jose)
-
DBM, itinanggi na naantala ang benepisyo ng mga medical workers
PINABULAANAN ng Department of Budget and Management (DBM) na naantala ang pagpapalabas ng benepisyo at allowances para sa mga healthcare at non-healthcare workers. Sa katunayan, nagpalabas ang DBM ng kabuuang P19.96 billion para pondohan ang public health emergency benefits at allowances para sa mga healthcare at non-healthcare workers. Ayon sa DBM, […]
-
Stamina, head movements at footwork mahigpit na tinututukan ng Team Pacquiao
Tinututukan sa ngayon ng kampo ni Sen. Manny Pacquiao na mas maging malakas pa ang stamina ng pinoy ring icon bilang preparasyon sa nakatakdang laban kay Errol Spence. Ayon kay Pacquiao na dapat ma-develop rin ang kanyang head movements at footwork. Dagdag pa nito na focus siya ngayon sa training dahil […]
-
Ads May 18, 2023