• September 15, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Witness-suspects vs Teves, ‘umaatras’

BIGLA umanong nanahimik ang mga testigong suspek laban kay suspended Negros Oriental Rep. Arnolfo Teves, Jr. dahilan para muling maantala ang paghahain ng kasong murder sa kongresista.

 

 

Sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na ang muling ‘delay’ sa pangako nilang pagsasampa ng kaso kahapon ng Lunes ay dahil sa pagtanggi nang makipagkoo­perasyon ng mga nadakip na witness-suspects.

 

 

Nang madakip ang mga suspek may 12-14 araw makaraan ang pagpaslang kay Governor Roel Degamo at siyam na iba pa, nakapagbigay sila ng pahayag sa mga prosecutor at sa mga imbestigador ng National Bureau of Investigation (NBI). Tinutulungan sila noon ng mga abogado ng Public Attorney’s Office.

 

 

Ngunit biglang nagkaroon na ng mga pribadong abogado ang mga witness-suspects at inabisuhan na manahimik at huwag nang magbigay ng pahayag.

 

 

Dahil dito, napilitan ang mga imbestigador na balikan ang kanilang mga naunang pahayag at pag-aralan ang mga rekord ukol sa case building.

 

 

“So, we were able to build the case. We were able to get the facts within our knowledge and that went very well. We were able to charge them,” pagtitiyak ni Remulla.

 

 

“Some of them have refused to speak already and issued another statement. We suspect they will be changing statements later on, and make recantations of sorts,” ayon pa sa kalihim.

 

 

Nananatiling tiwala naman si Remulla sa kaso nila laban kay Teves dahil sa mga naunang pahayag. Sinabi pa niya na maaaring masampahan na ng kaso ngayong linggo si Teves na kabibilangan ng 10 bilang ng murder, ilang bilang ng frustrated murder at attempted murder. (Daris Jose)

Other News
  • Holistic approach, nais ni PBBM sa pagresolba sa problema sa trapiko sa Pinas—Balisacan

    NAIS ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng isang “holistic at comprehensive approach” pagdating sa pagresolba sa problema sa trapiko sa bansa. Sinabi ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang na masusing pinag-usapan sa 16th full Cabinet meeting kasama si Pangulong Marcos ang problema sa trapiko. “What the President […]

  • Bulacan airport magiging airport gateway sa Luzon

    ANG bagong itatayong Bulacan airport ay isang proyektong makapagbibigay ng tulong sa programa ng pamahalaan upang lumuwag sa Metro Manila at mapalago ang regional development sa buong Luzon.   Si Senator Go ang isa sa nag nag co-sponsored ng House Bill No. 7507 ang isa sa magbibigay sa San Miguel Aerocity Inc. ng franchise upang […]

  • Maayos naman ang kalagayan sa Amerika: TOM, palilipasin muna ang isyu sa kanila ni CARLA bago magbalik-showbiz

    MAAYOS ang kalagayan ni Tom Rodriguez sa Amerika, pero kailangan daw muna siyang manatili doon at palipasin ang issue sa kanila ng ex-wife niyang si Carla Abellana.     Noong makapanayam si Tom ng GMA News, naging special judge ito sa ‘Miss Philippines USA’ sa San Diego, California. Ang naturang event ang first public appearance […]