Wizards player nagpositibo rin sa COVID
- Published on December 3, 2020
- by @peoplesbalita
Isa pang player ng Washington Wizards ang nagpositibo rin sa COVID-19.
Ito ang kinumpirma ng koponan sa harap na rin ng pagsisimula sana ng pre-season workouts ngayong araw.
Aminado si Wizards coach Scott Brooks na na-delay tuloy ang pagsisimula nila ng individual player workouts.
Sa sunod na Biyernes kasi ang simula naman ng group sessions.
Tumanggi naman si Brooks na kilalanin ang player na tinamaan ng deadly virus.
Bago ang anunsiyo ng Wizards, kinumpirma rin naman ng Warriors na dalawa ring players nila ang nagpositibo sa COVID.
Una nang naglabas ang NBA ng health-and-safety protocol guide na kung sakaling merong player na magpositibo sa COVID kahit na ito ay asymtomatic ay kailangang mag-quaratine ng 10 araw.
Kung sakaling magsimula na sa workout kailangang i-monitor ulit ng dalawang araw ang player.
Batay pa sa patakaran, kailangan din na dalawang beses na magnegatibo sa PCR test ang isang player.
Kung maalala bago ang NBA bubble kamakailan maraming players at mga staff ang nagpositibo sa coronavirus na umabot sa mahigit 30.
-
FIFA Futsal Women’s World Cup 2025, isasagawa sa PH
KINUMPIRMA ni Fédération Internationale de Football Association (FIFA) President Gianni Infantino na gaganapin sa Pilipinas ang nakatakdang pagbubukas ng inaabangang inaugural FIFA Futsal Women’s World Cup 2025 sa darating na Nobyembre. Ayon kay Infantino, nakatakdang gawin ang opening matches sa Nobyembre 21 kung saan ang mga lalahok na koponan ay maglalaban-laban para mapabilang […]
-
Ads March 29, 2021
-
Marami ang pumuri pero meron ding ilan na nanglait: Sexy photos ni JULIA suot ang animal print lingerie, pinagpiyestahan ng netizens
SA latest IG post ni Julia Barretto, pinasilip na niya ang sexy photos na suot ang animal print lingerie para sa latest movie niya sa Vivamax. Caption niya, “Hello? It’s Candy. I’m coming soon. “EXPENSIVE CANDY” FULL TRAILER DROPS TOMORROW at 7PM. 🍬” Pinusuan ng mga netizens ang hot na hot photos ni […]