• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

WNBA star Britney Griner nailipat na sa Russian penal Colony

Nailipat na sa malayong penal colony ng Russia si American basketball star Britney Griner.

 

 

Ayon sa kaniyang abogado nito na sina Maria Blagovolina at Alexander Boykov na dito gugugulin ng 32-anyos na basketball star ang siyam na taon na pagkakakulong.

 

 

Nasa mabuti aniya ang kalagayan nito base sa pinakahuling pagbisita nila.

 

 

Nauna ibinaba ng korte sa Russia noong Agosto ang hatol kay Griner matapos na makitaan ng iligal na substance sa kaniyang vape.

 

 

Naaresto si Griner sa paliparan sa Russia pagdating nito para maglaro bilang import ng lokal na basketball league noong Pebrero. (CARD)

Other News
  • PBBM, lalagdaan ang 2024 National Budget ngayong linggo- Speaker Romualdez

    NAKATAKDANG tintahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na  batas ngayong linggo ang  P5.76-trillion 2024 national budget.     “It’s ready for [signing], I think, [on] Wednesday. Wednesday na ata ‘yung signing po,” ayon kay Speaker Martin Romualdez sa mga mamamahayag sa Tokyo, araw ng Lunes.     Tinanong kasi si Romualdez […]

  • First guest na si Bea, inalala ang first encounter nila: Dream talk show ni BARBIE, nai-launch na sa kanyang YouTube channel

    NAI-LAUNCH na ang dream talk show ni Barbie Forteza sa kanyang YouTube channel na ‘Coffee Talk with Barbie Forteza’.       Ito raw ang gustong gawin na ni Barbie ngayon at every week ay may bago siyang mai-interview na sikat na celebrity.       “I’ve always wanted to have my own talk show […]

  • Ads June 30, 2023