• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Women’s football team ng bansa pasok na sa World Cup

NAKAPAGTALA ng kasaysayan ang Philippine women’s football team matapos na makakuha ng spot sa FIFA Women’s World Cup 2023.

 

 

Tinalo kasi nila ang Chinese Taipei sa 4-3 sa penalty shootout sa AFC Women’s Asian Cup quarter-final na ginanap sa Pune, India.

 

 

Itinuturing na bayani sa laro si Olivia McDaniel matapos na maharang ang dalawang spot kicks mula sa Chinese Taipei.

 

 

Hawak ng Chinese Taipei ang kalamangan 3-2.

 

 

Labis naman ang kasiyahan ng kanilang head coach na si Alen Stajcic kung saan sinabi nito na magiging isang inspirasyon ang panalo ng Philippine team.

 

 

Hindi niya ngayon iniisip ang pagharap nila sa South Korea sa semifinals dahil isinaisip nila ang pagpasok sa World Cup.

 

 

Susunod na makakaharap ng PIlipinas sa semifinals ang South Korea.

 

 

Magiging host ang New Zealand at Australia sa FIFA Women’s World Cup 2023.

Other News
  • Gonzaga sa PSA awards

    Maraming nagserbisyong atleta bilang frontliners mula nang magka-Covid-19 noong isang taon na ang upang matulungan ang bansa at ang mga mahihirap na labis na naapektuhan ng pandemya.     Bilang pagkilala sa kanilang sakripisyo at kawanggawa, ilan sa kanila pagkakalooban ng ‘Special Recognition’ sa virtual San Miguel Corporation-Philippine Sportswriters Association (SMC-PSA) Annual Awards Night sa […]

  • Manny Pangilinan, tinawag na ‘hindi katanggap-tanggap’ ang insidente sa NCAA

    Malinaw na nadismaya ang sports patron at negosyanteng si Manuel Pangilinan sa nangyaring karahasan sa NCAA basketball game sa pagitan ng Jose Rizal University (JRU) at De La Salle-College of St. Benilde noong Martes.   Wala si Pangilinan sa laro, ngunit pinanood niya ang mga video nito, at sinabing nahirapan siyang maunawaan kung bakit inatake […]

  • 2 HULI SA AKTONG BUMABATAK NG SHABU SA NAVOTAS

    HIMAS-REHAS ang dalawang binata matapos maaktuhan ng mga tauahan ng Maritime police na sumisinghot ng shabu sa loob ng isang kubo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.     Kinilala ni Northern NCR MARPSTA Chief P/Maj. Randy Ludovice ang naarestong mga suspek bilang sina Ricardo Bueno, 47, fisherman ng Blk 1 Lot 39 Squater Area […]