• July 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

World champ sprinter Coleman iaapela ang 2-year ban

IAAPELA umano ni world champion sprinter Christian Coleman ang ipinataw sa kanyang two- year ban sa athletics bunsod ng anti-doping violations, ayon sa kanyang manager.

 

“The decision of the Disciplinary Tribunal established under World Athletics Rules is unfortunate and will be immediately appealed to the Court of Arbitration for Sport,” ani Emanuel Hudson.

 

Matatandaang nagwagi si Coleman sa men’s 100 meters noong isang taon sa World Championships sa Doha at itala ang world-leading time para sa season na 9.76 seconds.

 

Agad na sinuportahan ng World Athletics’ Disciplinary Tribunal ang isinampang kaso at banned sa 24-years-old American ng dalawang taon na nagsimula noong May 14, 2020.

 

Kung mananatili ang ban, hindi makalalahok si Coleman sa Olympic Games sa Japan kung saan siya ang paboritong makakuha ng 100m gold medal.

Other News
  • 31st Southeast Asian Games pormal nang nagsara sa isang makulay at magarbong programa

    MAKALIPAS ang mahigit dalawang linggo, pormal na ring isinara kagabi doon sa Hanoi, Vietnam ang 31st Southeast Asian Games sa isang makulay at magarbong programa.     Isinagawa ang selebrasyon sa indoor sports complex ng Vietnam na may capacity na 3,000 katao.     Ito ay sinabayan naman ng pagbuhos ng ulan sa labas ng […]

  • Estados Unidos, suportado ang panawagan ng Pinas kontra sa agresibong pagkilos ng China sa West Philippine Sea

    SUPORTADO ng Estados Unidos ang  serye ng protesta ng Pilipinas laban sa nakagagalit na aksyon ng China sa  West Philippine Sea partikular na ang ginawang panghaharang ng China sa mga Filipino sa  resupply missions nito at pagpapadala ng  200  militia vessels sa reef na sakop ng Pilipinas.     “We share the Philippines’ concerns regarding […]

  • P29 Rice Program sa Navotas

    “P29 Rice Program”: Pinasalamatan nina Navotas Rep. Toby Tiangco at Mayor John Rey Tiangco si Pangulong Bongbong Marcos dahil may 1,500 Navoteño ang nakabili ng hanggang limang kilo ng P29/kilo na bigas. Pinuri rin ng Tiangco brothers ang pagsisikap ng administrasyong Marcos na palawakin ang access sa abot-kayang bigas, kasunod ng pag-anunsyo ni Agriculture Secretary […]