• January 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘WPS’ (the series), napapanood na sa iba’t ibang platforms: RANNIE, hinahagisan pa rin ng panty ‘pag nagso-show

NAGSIMULA nang mapanood ang “WPS” (West Philippine Sea) na TV, Radio and Online series sa Viva One, DZRH Television and DZRH Radio.

 

Ang ‘WPS’ ay kuwento ng pag-asa, katatagan at pagkakaisa. Sinasaliksik nito ang kapangyarihan ng pag-ibig, ang kahalagahan ng pagkakaisa, at ang di-natitinag na diwa ng isang bansang determinadong ipaglaban ang taglay nitong mga karapatan at kinabukasan.

 

Ito ay nagpapaalala sa atin na kahit na sa harap ng napakalaking pagsubok, ang espiritu ng tao ay maaaring manaig, na pinalakas ng pag-ibig, matatag na determinasyon, at ang hindi natitinag na paniniwala sa kapangyarihan ng sama-samang pagkilos at ang tunay na diwa ng nasyonalismo at pagkamakabayan para sa tunay na debosyon at pagmamahal sa bansa at mamamayan.

 

Bida sa serye sina Rannie Raymundo, AJ Raval, Daiana Menezes, Ayanna Misola, Lance Raymundo, Massimo Aljur Abrenica, Jeric Raval, at marami pang iba.

 

Prodyus ito ni Dr. Michael Raymond Aragon, ang Founding Chairman ng Kapisanan ng Social Media Broadcaster ng Pilipinas, Inc., at KSMBPI Anti-Fake News Task Force, Inc.

 

Samantala, inamin ni Rannie, na hanggang ngayon pala ay hinahagisan pa rin siya ng mga panty.

 

“May naghahagis pa rin, na ang ibang garter, bacon na! Hahahaha!

 

“You know, meron akong gitara na puno ng underwear!” pag-amin ni Rannie.

 

“Nagugulat na lang ako! Hindi pala panyo! Panty pala!

 

“Pero hanggang ngayon, kahit sa mga out of town, o out of the country, meron pa rin talaga!” sambit ni Rannie.

 

May nagtanong kung bago o gamit na ang inihahagis na mga panty, “Alam mo hindi ko naman tsine-check,” sagot niya.

 

Tanong ng co-star na si Daiana kung inamoy ba ni Rannie ang mga panty, “Why would I do that? Pero dati akala ko panyo, so, dinampot ko tapos nakapa ko, iba ‘yung texture, so alam ko na!”

 

Si Daiana naman ang natanong naman kung willing siyang maghagis ng panty kapag nanood ng gig ni Rannie.

 

“Ay, grabe!” sagot ng singer-actress at influencer.

 

Maagap namang sagot ng singer/actor, “Hindi talo si Daiana, kapatid namin ito, eh.”

 

Samantala sa advance screening ng ‘WPS’ (the series) na ginanap sa Manila Hotel ay ipinarinig ang original theme song ng serye na “Akin Ka” na inawit ni Lady Chatterly Alvaro Sumbeling na sundalo ng Philippine Navy.

 

***

 

Napapanood na nga ang first episode “WPS” as following Social Media Platform LINKS:

1) DZRH News Television

https://www.facebook.com/share/6XSKLhxCfuocdFvr/?mibextid=LQQJ4d

2) DZRH NEWS

https://www.facebook.com/share/EJhNfTnUMvLdnATv/?mibextid=LQQJ4d

3) DZRH YOU TUBE CHANNEL

https://youtube.com/@dzrhtv?si=9yRv_TdWTga-47GV

OFFICIAL TRAILER:

Other News
  • ‘Drone Squadron’, inilunsad ng QCPD

    INILUNSAD  ng Quezon City Police District (QCPD)  sa pangunguna ni P/BGen. Nicolas Torre III, ang kanilang sari­ling ‘drone squadron’ sa Camp Karingal sa Sikatuna Village, nabatid kahapon.     Ayon kay Torre, ide-deploy nila ang mga drones upang magbigay ng seguridad sa publiko at sawatain ang kriminalidad sa lungsod.     “We will deploy drones […]

  • PBBM, tinukoy ang Maharlika fund ng Pinas sa Singapore investment pitch

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang  business executives sa Singapore na i-explore  ang Pilipinas bilang investment hub, tinukoy ang Maharlika Investment Fund (MIF).     Binanggit ng Pangulo ang MIF  sa kanyang naging talumpati sa 10th Asia Summit kung saan nagsilbing host ang  Milken Institute sa Singapore.     Buwan ng Hulyo nang tintahan […]

  • Mga laro sa Major League Baseball tuloy na

    Inilabas na ang Major League Baseball (MLB) ang mga schedule ng laro ngayong 2020 season.   Magsisimula ang nasabing laro sa July 23 matapos ang ilang buwang pagkaantala dahil sa coronavirus pandemic.   Unang sasabak agad ang World Series champion Washington Nationals laban sa New York Yankees.   Makakaharap naman ng Los Angeles Dodgers ang […]