Yap nawiwiling mag- golf
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi na lang sa pagdribol at pag-shoot naghahasa sa kasalukuyan si Philippine Basketball Association (PBA) star James Carlos Yap Sr. kundi sa pagsipat at pagpalo o paggo-golf.
Pinaskil sa Instagram account nitong Sabado ng 38 taong-gulang, 6-2 ang taas at mula sa Escalante City, ang pamatay niyang porma sa golf.
Sinasamantala ng Rain or Shine guard/forward ang panahon habang nakabakasyon pa ang professional lcahe eague na Abril 9 pa magbubukas ang 46th season 2021 Philippine , pagkaraan ng 36th Draft 2021 sa Marso 14.
Nakaabot ng quarterfinals ang Elasto Painters sa 45th PBA PH Cup 2020 kung saan ang Barangay Ginebra San Miguel ang nagkampeon sa import-less conference kung sa pagtaob sa Talk ‘N Text sa limang laro.
Nais ni Yan ang maaangas na laro pa at giyahan ang RoS sa titulo bago tuluyang magretiro na sa kanyang karera. (REC)
-
HTAC hugas-kamay sa nasayang na 31M COVID bakuna
NAGLABAS ng pahayag ang Health Technology Assessment Council (HTAC) matapos ibunton ni Iloilo Rep. Janet Garin ang sisi sa kanila sa nasayang na 31 milyong dose ng COVID-19 vaccine na nagkakahalaga ng P15.6 bilyon. Base sa pahayag ni Garin, bawat desisyon umano ng Department of Health (DOH) ay dadaan muna sa HTAC, na […]
-
Ex-DOH secretaries, doctors umapela kay Pres. Duterte na ‘wag harangan ang Senate probe
Nagsama-sama ang daan daang mga doktor maging ang ilang dating mga Health secretaries upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Durterte na sana ay ‘wag harangin ang ginagawang imbestigasyon ng mga senador sa umano’y anomalya sa paggamit ng COVID-19 response. Naglabas ng statement ang Philippine College of Physicians (PCP), na pinirmahan ng maging dating mga […]
-
NCH NASUNGKIT ANG HOSPITAL STAR AWARD
MULING kinilala ng Department of Health (DOH), sa pamamagitan ng Health Facilities and Services Regulatory Bureau, ang Navotas City Hospital (NCH) bilang isa sa Top 15 Level 1 na ospital sa bansa. Ang pagkilalang ito ay ibinigay sa NCH para sa pagtataguyod ng kalidad ng pangangalagang pangkalusugan habang patuloy na naghahanap ng pagbabago […]