• March 15, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YASMIEN, dapat pasalamatan ni ALWYN sa pagkakaayos nila ni JENNICA

PWEDENG pasalamatan ni Alwyn Uytingco ang co-star ni Jennica Garcia na si Yasmien Kurdi sa bagong GMA Afternoon Prime, ang Las Hermanas na mapapanood na simula sa October 25.

 

 

Although bida-kontrabida silang dalawa rito bilang first kontrabida role nga ito ni Jennica, sa lock-in taping kunsaan, unang sabak muli ni Jennica sa taping na kasalukuyan itong dumadaan sa pakikipaghiwalay sa asawa, si Yasmien ang isa sa nakakausap niya at nahihingan ng payo.

 

 

Masaya raw si Yasmien na nagkabalikan na nga ang dalawa.

 

 

Sey niya, “Opo, nakukuwento nga niya ‘yung problema niya no’ng time na ‘yon. Pero sabi ko sa kanya, kapag asawa mo, asawa mo. Kung kaya niyong ayusin, ayusin niyo kasi, may mga anak sila, e, dalawang babae.

 

 

      “Pero happy ako ngayon, nagka-ayos sila, okay na sila, ‘di ba? So I’m really happy for her. ‘Yun naman talaga, ‘till death do us part’ sabi nga sa kasal, ‘di ba?”

 

 

      Pagsubok lang daw ‘yan sa buhay na pinagdadaanan, sey pa ni Yasmien na in all fairness, may karapatang magbigay ng payo dahil for 10 years as married to her husband, Rey Soldevilla, still happy at intact ang marriage life nila.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • 2 NAGKA-CARA Y CRUZ TIMBOG SA P10-K SHABU

    REHAS na bakal ang kinasadlakan ng dalawang lalaki nang maaktuhang nagka-cara y cruz at makuhanan pa ng higit sa P10,000 halag ng shabu sa Caloocan city.   Kinilala ang mga suspek na si Ike Ruiz, 57, jeepney driver at Roger Albino, 41, truck helper, kapwa ng Saremborao St., Dagat-Dagatan, Brgy. 8 na kakasuhan ng paglabag […]

  • Ikinaloka ng netizens, ano raw ang gustong patunayan?… ANDI at PHILMAR, isinapubliko ang sabay nilang pagpapa-tattoo

    MAGKASABAY ngang nagpa-tattoo sa kanilang mga braso sina Andi Eigenmann at Philmar Alipayo matapos magkaroon ng isyu tungkol sa panloloko. Makikita ito sa in-upload na video sa Instagram page ng Island Tattoo Piercing Studio sa isla ng Siargao kung saan naka-base sina Andi at Philmar. Kasama rin sa tattoo studio ang kanilang mga anak na […]

  • Malakanyang, bukas sa “Designated Survivor” bill ni Senador Lacson

    BUKAS ang Malakanyang sa panukala ni Senador Panfilo Lacson na magtalaga ng  magiging successor sakali at ang apat na matataas na lider ng  Philippine government ay mapahamak o mamatay dahil sa  “exceptional circumstances” such as terrorist attacks.   Sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque na ang isinampang “Designated Survivor” bill ni Senador Panfilo Lacson ay “scenario that […]