YASSER, nagpasalamat kay Direk LAURICE dahil lumabas ang husay; KYLINE, ‘di malilimutan ang pagganap bilang ‘Maggie dela Cruz’
- Published on March 30, 2021
- by @peoplesbalita
MALAKI ang pasasalamat ng Kapuso hunk Yasser Marta sa kanilang direktor sa teleserye na Bilangin Ang Bituin Sa Langit na si Laurice Guillen.
Nagtapos na ang serye noong nakaraang March 26 at marami raw natutunan si Yasser kay Direk Laurice sa pagbuo ng character niyang si Jun Santos.
“Sa lahat ng bumubuo ng ‘Bilangin ang Bituin sa Langit’ from the cast, production, crew, utility, @gmanetwork and @artistcenter, mahal na mahal ko kayo.
“Especially Direk @lauriceguillen thank you for bringin gout the best in me. That was one hell of an emotional experience. Mamimiss ko kayong lahat! Congratulations sa atin.”
Lumabas nga ang husay ni Yasser sa pag-arte sa maraming mabibigat na eksena sa teleserye. Nakipagsabayan ito sa husay nila Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ina Feleo at Isabel Rivas.
Tinawag nga siya ni Direk Laurice na isang revelation at sana’y mabigyan pa raw ito ng mas mabibigat pang roles in the future.
***
HINDI raw malilimutan ni Kyline Alcantara ang pagganap niya bilang Maggie dela Cruz sa katatapos lang na teleserye na Bilangin ang Bituin sa Langit.
Sa Instagram, tinawag ni Kyline si Maggie as someone who, “represented our generation.”
“Oh, Maggie! What a dream role you are. You are another check from my list. You represented our generation. Bakit? Dahil ang kwento mo ay kwento ng bawat anak at apo na umasa at nagdasal na mabuo ang pamilya kahit pa minsan ay nawawalan ng pag-asa. Natutunan ko sa’yo na minsan ay daig ng pagmamahal para sa pamilya ang ating sariling interes.”
Nagkaroon nga raw ng SEPANX (Separation Anxiety) si Kyline noong matapos na ang lock-in taping nila. Sobra raw siyang naging close sa co-stars niyang sina Nora Aunor, Mylene Dizon, Zoren Legaspi, Ina Feleo, Candy Pangilinan, Isabel Rivas at Yasser Marta. Pati raw ang buong crew ay parang pamilya niya.
“To my BBL Family, you are the highlight of my 2020, you are the silver lining of that year. ‘Yung memories ng taping pre-pandemic hanggang locked-in taping ay ‘di ko makakalimutan. Hindi madali but we made it because we are family. I miss you all already.
“It’s been nice to portray and know you, Maggie. Maggie Dela Cruz Santos now signing off.”
***
Years after ng kanilang divorce, nag-open up na si Anna Faris sa failed marriage nila ng Jurassic World star na si Chris Pratt.
Naghiwalay sila ni Chris noong 2017 after eight years of marriage. Co-parents sila sa anak nilang si Jack.
“Any hint of competitiveness and comparison, I didn’t handle that very well, I don’t think. And I hope I’ve grown from that,” sey ni Anna.
Bago si Chris, kinasal si Anna sa aktor na si Ben Indra in 2004 at naghiwalay sila in 2008.
“My two other marriages were with actors, and I don’t think we did a great job of eliminating competitiveness. Or at least I didn’t, being a proud person, and not wanting to reveal vulnerability.”
Current boyfriend ni Anna ay ang cinematographer na si Michael Barrett. Si Pratt naman ay married na to Katherine Schwarzenegger in 2019 at nanganak ito sa baby girl nila na si Lyla Maria Pratt noong August 2020. (RUEL J. MENDOZA)