• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yayain sina Alden, sa movie nila ni Jeric: BEA at YASMIEN, baka mabatukan si ROYCE ‘pag napanood ang mapangahas na eksena

TAWA nang tawa si Royce Cabrera bago sumagot nang tanungin namin kung ipapapanood ba niya kina kina Alden Richards, Yasmien Kurdi at Bea Alonzo na mga co-stars niya sa Start-Up PH ang BJ scene niya sa ‘Broken Blooms’?

 

“Wala naman pong problema, kasi kumbaga ibang takbo ng istorya naman ‘to e, tsaka mga aktor din sila so mage-gets nila kung bakit may mga ganung eksena, so oo naman, oo naman!

 

“Naging mga kaibigan ko naman sila e, so why not?”

 

 

Alam niya raw na busy ang tatlo kaya hindi pa niya nayayaya na manood ng pelikula nila ni Jeric Gonzales na co-star rin nila sa ‘Start-Up PH.’

 

 

“Pero pag if ever makausap ko sila, siyempre yayayain ko sila, ‘Tara nood kayo’.”

 

 

Showing sa mga sinehan ang ‘Broken Blooms’ sa December 14.

 

 

Sa tanong namin kay Royce kung sa tingin niya ay ano ang magiging reaksyon ng tatlo kapag napanood ang kanyang kontrobersyal na eksena, lalo na ang dalawang girls ay baka raw batukan siya nina Bea at Yasmien.

 

 

Alam raw kasi ng dalawa ang kakulitan ni Royce sa set ng GMA series nila kaya malamang raw na sa gulat nila sa mapangahas na eksena niya sa pelikula ay baka mabatukan siya.

 

 

***

 

 

MASAY ang personal life ni Thea Tolentino, going strong ang relasyon nila ng non-showbiz boyfriend niyang si Martin San Miguel na isang piloto ng PAL Express.

 

 

First anniversary nila nitong October 14.

 

 

Si Juancho Trivino na common friend nila ang nagpakilala kina Thea at Martin.

 

 

“Sila yung magka-schoolmates, same silang taga-Sta. Rosa,” kuwento pa ni Thea, na pare-parehong taga-Laguna.

 

 

Mayroon na bang yayaaan ng pagpapakasal?

 

 

“Ay, wala pa po!”

 

 

Ayaw pa niya?

 

 

“Hindi naman sa ayaw pa pero importante kasi na ready ka sa lahat ng aspects at ramdam mo yun, na ready ka na.”

 

 

Kung biglaang mag-propose si Martin sa kanya?

 

 

“Naku, baka mabasa niya ito, baka ma-pressure,” at tumawa si Thea.

 

 

Napapanood si Thea bilang si Dahlia Chua sa ‘Mano Po Legacy: The Flower Sisters’ sa GMA.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Philippine beach volley teams handa na sa Vietnam SEAG

    MAYROON  nang sapat na eksperyensa ang national beach volleyball teams para lumaban sa gold me­dal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam sa Mayo 12-23.     Nagmula sa training camp sa Australia ang dalawang koponan kung saan humataw ang national men’s team ng gold habang isang gold at isang silver ang nakamit ng […]

  • Magnolia: 3rd STRAIGHT WIN KONTRA NLEX

    Nakuha ng Magnolia Hotshots ang ikatlong sunod na panalo matapos na talunin ang NLEX 119-103 sa PBA Governors’s Cup sa Araneta Coliseum.   Nanguna sa panalo ang import na si Antonio Hester na mayroong 37 points at 15 rebounds habang mayroong 17 points, siyam na rebounds at 12 assists si Jio Jalanon.   Ibinahagi ni […]

  • Access to Medicines Summit 2024: Building Bridges to Build A Blueprint for Collaborative and Innovative Access to Medicines for a Future of Equitable Healthcare

    − The summit convened more than 100 key stakeholders and 32 influential speakers from government sectors, private entities, academia, and medical advocacy groups across the region.       − The summit aimed to showcase successful efforts in improving access to medicines, foster collaboration opportunities, initiate the development of a roadmap for stronger access to […]