Yee, Davao kampeon sa MPBL Lakan Cup
- Published on March 23, 2021
- by @peoplesbalita
NAGPASOK ang ex-pro na si Mark Yee ng krusyal na three-pointer sa pinaleng 13.4 segundo upang paalpasin at paghimagsikin ang Davao Occidental Tigers Cocolife sa San Juan Knights Go For Gold sa Game Four overtime, 89-88, at sunggaban ang 3rd MPBL Lakan Cup 2019-20 title Linggo ng gabi sa Subic Bay Gym bubble.
Kayod-marino ang 39 na taong-gulang, 6-3 ang taas na forward at tubong Sagay City pride sa tinapos na 19 points, 12 rebounds at 3 assists para sa 3-1 win ng Davaoeños sa best-of-five series at makaresbak sa second season Game Five loss national finals sa harap ng kanilang mga kababayan sa Davao.
Kasama ang Games 1-3 win na 77-75 OT rin at 66-58.
Kasabwatan ni Yee sa Tigers na dinale rin ang Games One at Thee via 77-75 OT din at 66-58, si Emman Calo na may game-high 22 markers.
“Hindi ko gawa ito kundi ng Panginoong Jesus,” suma ni Yee na pinili ring Final MVP sa winning basket. “Dahil alam namin na hindi namin kaya kung wala Siya. Nagtiwala lang kami sa Panginoon.”
Nabasura lang ang 19 pts. at 8 rebs. ni Larry Rodriguez para sa deposed champion team na bulilyasong pahabain ang serye sa Game 5 tapos tumabla sa Game 2, 70-65.
Ang iskor:
Davao – Calo 22, Yee 19, Terso 11, Robles 11, Mocon 9, Balagtas 8, Gaco 4, Saldua 3, Custodio 2, Ludovice 0.
San Juan – Rodriguez 19, Clarito 18, Isit 14, Wilson 13, Wamar 7, Tajonera 6, Gabawan 4, Ayonayon 3, Aquino 2, Estrella 2, Reyes 0, Pelayo 0. (REC)
-
NBA DRAFT MAGIGING VIRTUAL NA
MAGIGING virtual fashion na ang gagawing NBA draft para sa 2020-2021 season. Ayon kay NBA commissioner Adam Silver, gagawin ito sa ESPN studio sa Bristol, Connecticut sa darating na Nobyembre 18. Makakasama ni Silver si NBA deputy commissioner Mark Tatum para ianunsiyo ang mga selections sa una at pangalawang rounds. Ang mga […]
-
DPWH: CALAX malaking tulong upang mabawasan ang trapiko sa Calabarzon
Nagkaron ng inagurasyon at ceremonial opening noong nakaraang buwan ang Cavite-Laguna Expressway (CALAX) Sub-section 5 mula sa Silang East Interchange papuntang Sta.Rosa-Tagaytay Interchange sa Cavite na may tinatayang 5,000 na motorista ang gagamit at dadaan sa nasabing expressway. “While this pandemic may have slowed down and disrupted the implementation of projects, the […]
-
Baldwin tiwala sa Gilas squad
Masaya si Gilas Pilipinas head coach Tab Baldwin sa ipinamalas ng kanyang bataan sa tuneup game nito laban sa China sa kabila ng 79-all pagtatapos ng laban. Nagawang makuha ng Gilas squad ang 78-71 kalamangan sa huling isang minuto ng laro. Subalit nagpasabog ang China ng matinding opensa sa mga sumunod […]