• March 25, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yorme Isko, binuksan ang parke sa Baseco Baywalk

BINUKSAN na sa publiko ng Pamahalaang Lungsod Ng Maynila ang isang pasyalan na matatagpuan sa Baseco compound na tinawag na “Linear Park”na matatagpuan sa kahabaan ng Baseco Baywall.

 

Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno Domagoso, ang pagbu- bukas ng nasabing parke gayundin ang paglalagay ng mga pailaw at pagpapaganda ng kanilang lalakaran sa Baseco Baywalk gamit ang mga “bricks” ay simpleng alay lamang ng lokal na pamahalaan para sa mga residente ng Baseco.

 

“Ipapakita natin na may gobyerno, na may pamamahala, at ang pamamahala ay may pagmamalasakit pero may kaakibat na disiplina sa atin. Kapag tayo ay nililingon na ng pamahalaan, ang pakikipagtulungan natin sa pamahalaan ay pakikiisa sa pagsasaayos,” ani Domagoso.

 

Sa kabila ng bansag sa lugar ng Baseco na “lunggaan ng mga halang ang kaluluwa”, dapat aniyang patunayan ng mga residente sa nasabing lugar na iba na ang “mukha” ng kanilang lugar dahil sila ay may disiplina, dignidad, at may pangarap din sa buhay.

 

“Huwag niyong dumihan ang inyong paligid kasi yan reflection ng pagkatao natin. Ayokong tayo ay mamaliitin dahil tayo ay mahirap. Gusto ko may dignidad sa pagiging mahirap dahil tayo ay tao rin,” ayon pa kay Domagoso. Bukod dito ay nanawagan din ang Alkalde sa mga residente na huwag tapunan ng basura at dumi ng tao ang katubigan kung saan hiniling nito na panatilihing malinis at maayos ang kanilang pamayanan.

 

Kasama ni Domagoso sa isinagawang simpleng seremonya sina Vice Mayor Maria Sheilah ‘Honey’ Lacuna-Pangan, City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sandac, at iba pang opisyal ng lokal na pamahalaan. (Gene Adusara)

Other News
  • Ads June 8, 2023

  • Pagluwag ng quarantine protocols sa NCR Plus, huwag madaliin – expert

    Hinay-hinay muna at hindi dapat madaliin ang pagluluwag sa quarantine classification sa Metro Manila at karatig lalawigan.     Ito ang sinabi ni Dr. Maricar Limpin, pangulo ng Philippine College of Physicians lalo pa nga’t nararanasan pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa NCR at karatig lalawigan na Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal.     “Wag […]

  • Mayor Tiangco sa mga mangingisda: Karagatan ng Navotas, panatilihing malinis

    NANAWAGAN si Navotas City Mayor Toby Tiangco sa lokal na mga mangingisda sa lungsod na panatilihing malinis ang karagatan ng Navotas kasunod ng pagkakapasa ng Pamahalaang Lungsod sa Assessment of Compliance para sa Manila Bay clean-up.   “Ang pangingisda ang aming pangunahing mapagkukunan ng kita at bilang isang pamayanan ng pangingisda, dapat nating bigyan ng […]