• April 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yorme Isko ‘di aatras sa presidential race

TAHASANG itinanggi ni Aksyon Demokratiko presidential candidate Isko Moreno na isa siya sa dalawang presidentiable na aatras sa kandidatura kasabay ng paggiit na marami na ang mga botante na lumilipat sa kaniya.

 

 

“’Di ako susuko, ‘di natin susukuan ang taumbayan, ‘di natin susukuan ang sitwasyon,” saad ni Moreno makaraan ang pakikipagpulong kay La Union Gov. Francisco Emmanuel “Pacoi” Ortega.

 

 

Sa isang ‘blind item’ ng isang political website, binanggit nito na dalawang kandidato sa pagkapangulo ang aatras na sa kanilang kandidatura sa susunod na linggo.

 

 

Ngunit ayon kay Moreno, ang patuloy na pagtaas niya sa survey ng research firm na Tangere ay patunay ng pagpapatuloy ng kaniyang laban. Sa survey na ginawa mula Pebrero 11 hanggang 12, umakyat ang numero ni Moreno sa 23.5% mula sa 22.17% nitong Pebrero 5. Pumangalawa siya kay dating senador Bongbong Marcos na patuloy naman ang pagbaba sa 51.83%.

 

 

“At sa nakikita natin marami nang nagsi-switch kay Isko.  I’m very happy about it and optimistic on the future,” dagdag niya. (Gene Adsuara)

Other News
  • Sec. Roque, walang narinig na binatikos mula kay Pangulong Duterte para kay Mayor Isko

    HINDI maunawaan ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung bakit binabatikos ng progressive group na Makabayan bloc si Pangulong Rodrigo Roa Duterte gayong hindi naman pinangalanan ng Chief Executive ang Alkalde na sinasabi niyang “disorganisado” sa pagbibigay ng ayuda at pagtatakda ng bakuna sa kanyang mga nasasakupan.   Nauna nang sinabi ng militanteng grupong makabayan na […]

  • Mula sa nakatatakot na si Padre Salvi: JUANCHO, level-up ang pagiging kontrabida sa ‘Maging Sino Ka Man’

    MULA sa nakatatakot na pagganap bilang si Padre Salvi sa ‘Maria Clara At Ibarra’, muling katatakutan si Juancho Triviño sa bagong role niya as Gilbert sa Kapuso special series na ‘Maging Sino Ka Man.’     Sey ni Juancho ay mag-level up pa ang inis ng mga tao sa bagong kontrabida character niya dahil gusto […]

  • Pinas, nakatanggap ng P48.7-M Aussie aid para sa Covid-19 response

    NAKATANGGAP ang Pilipinas, araw ng Biyernes ng P48.7 milyong halaga ng cold chain equipment at iba pang tulong mula sa Australian government, sa pamamagitan ng United Nations Children’s Fund (Unicef) Philippines.     Sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na ang Australian government ay “long-time ally” ng Pilipinas at nagbigay ng […]