YORME ISKO NAKALABAS NA NG OSPITAL
- Published on August 26, 2021
- by @peoplesbalita
NAKALABAS na ng ospital si Manila Mayor Isko Moreno Domagoso matapos ang kanyang sampung araw na quarantine.
Ang alkalde ay dinala sa Sta. Ana Hospital dahil nagpositibo sa COVID-19 kung saan nakaramdam ng mga sintomas tulad ng sipon, ubo at pananakit ng katawan.
Sa ika-limang araw nito sa ospital, nawalan ito ng panlasa at pang-amoy bagama’t bumubuti naman ang kanyang kondisyon.
Maaalala na inanunsyo ng alkalde noong August 15 na positibo ito sa COVID-19 at agad na nagpadala sa ospital bilang bahagi na rin ng health protocol na ipinatutupad ng gobyerno.
Pinasalamatan naman ng alkalde ang mga hospital staff na walang sawang nakasubaybay, nakabantay sa kanyang kalusugan habang siya ay naka-quarantine ng ilang araw.
Binigyan din ito ng certificate na patunay na siya ay isang COVID-19 survivor.
Bagama’t nakalabas na ng ospital, bubunuin pa ng alkalde ang nalalabing tatlong araw nitong home quarantine.
Paalala naman ng alkalde sa publiko, mag-ingat at lagi tandaan ang pagsunod sa minimum public health standards upang makaiwas na mahawaan o magsakit ng COVID-19 lalo na ngayong pinalala pa ito ng Delta variant sa bansa. (GENE ADSUARA)
-
UFC fighter Vitor Belfort hinamon si Jake Paul
Hinamon ni dating UFC light heavyweight champion Vitor Belfort si YouTube sensation Jake Paul. Sa kaniyang social media, nagpost ito ng video ng paghamon niya kay Paul. Dagdag pa ng Brazilian mixed martial arts legend na dapat siya ang ang harapin ng American star. Kasalakuyang nakapirma ang 43-anyos na si Belfort sa […]
-
Suplay ng karne ng baboy, sapat ngayong Pasko – DA
SAPAT ang suplay ng karne ng baboy sa merkado ngayong Pasko. Ito ang tiniyak kahapon ni Department of Agriculture (DA) Deputy Spokesperson Rex Estoperez. Ayon kay Estoperez, dahil mas gusto ng mga mamimili na bumili ng sariwang karne, nag-aalangan ang mga nagbebenta ng frozen meat na ilabas ang kanilang mga supply […]
-
Prisoner swap… Walang ‘palit-ulo’ sa pagitan ng Pinas, Indonesia para kay Alice Guo — PBBM
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang prisoner-swap o ‘palit-ulo’ sa pagitan ng Pilipinas at Indonesia kasunod ng pag-aresto sa dinismis na si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo. Sa naging panayam ng mga miyembro ng Malacañang Press Corps (MPC), winika ni Pangulong Marcos na walang ‘official request’ mula sa Indonesian government para sa […]