• December 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

YORME ISKO, TUMANGGING PAG-USAPAN ANG PULITIKA

TUMANGGI muna ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso na pag-usapan ang pulitika dahil nakatutok ito sa pagtugon sa pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

 

 

 

Ito ay matapos siyang hingan ng komento hinggil pagsama sa kanya sa listahan sa mga posibleng kandidato para sa 2012 election ng bagong tatag na electoral coalition 1Sambayan.

 

 

 

“Wala akong tamang sagot o maling sagot d’yan because this is politics and I don’t like entertaining that question.” anang alkalde sa panayam sa isang  programa.

 

 

 

Paliwanag ng alkalde hindi niya ramdam ngayon na pag-usapan ang tungkol sa pulitika  ngayong ang ulat ng Department of Health ay nasa 8,019 na ang bagong kaso ng COVID-19 .

 

 

 

“Never muna akong sasagot patungkol diyan dahil I would rather address the 8,000 infections. How can we participate [in the effort] to lessen 8,000 infections in the country?” giit pa ni Domagoso.

 

 

 

Sa Maynila aniya ay nasa 600 ang bagong kaso sa nagdaang mga araw ang kanilang tinutugunan.

 

 

 

. “So, dito muna ako sa pandemic with all honesty. And I swear to God, I would rather focus and dedicate all my time and effort [here],”  dagdag pa nito.

 

 

 

Pinasalamatan naman ng alkalde ang pribadong sektor  sa pagsuporta sa pagsisikap ng pamahalaang lungsod para labanan ang pandemya dulot ng  COVID-19 at para sa ekonomiya.

 

 

 

Ilang mga barangay na rin ang kinailangang isailalim sa granural lockdown sa kautosan na rin ni Domagoso dahil sa pagtaas ng kaso sa mga barangay. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Mas maraming matutulungan dahil nasa GMA na: SAM, thankful sa suporta ni RHIAN na lumabas sa isang episode ng ‘Dear SV’

    SIMULA ngayong Sabado, November 18, 11:30 p.m mapapanood na ang ‘Dear SV’ sa GMA-7. Ipi-feature sa public service program na hino-host ni Tutok to Win Party List Representative Sam “SV” Verzosa, ang mga bagong episodes na kung saan hina-highlight ang nakaka-inspire na kuwento ng mga ordinaryong Pinoy na hindi nawawalan ng pag-asa at nananatiling matatag […]

  • GET YOUR TICKETS NOW TO “SHAZAM! FURY OF THE GODS”

    A little over a week before “Shazam! Fury of the Gods” thunders into Philippine cinemas on March 15, fans and moviegoers may get advance tickets now to the DC superhero film and be one of the first in the world to see it.     For details, go to the official ticketing site at http://shazamfuryofthegods.com.ph   […]

  • 2 Pinoy patay sa Turkey quake, 34 iba pa inilikas

    DALAWANG  Pinoy na una nang naibalitang nawawala sa magnitude 7.8 na lindol sa Turkey ang kumpirmadong nasawi sa Antakya, pero sa kabutihang palad ay natuklasang buhay naman ang isa sa mga nawawala.     Una nang ibinalita ng grupong Filipino Community in Turkey na tatlong Pilipina ang hindi mahagilap matapos ang lindol, bagay na pumatay […]