• March 29, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Yulo swak sa World Championships sa UK

MAGLALARO si Pinoy gymnastics sensation Caloy Yulo para sa kanyang ikatlong World Championships na nakatakda sa Oktubre sa Liverpool, England.

 

 

Ito ay matapos magdagdag si Yulo ng dalawa pang gold medals sa 9th Senior Artistic Gymnastics Asian Championships sa Doha, Qatar.

 

 

“Qualified for world championship 2022 in Liverpool UK!!,” ani Japanese coach Munehiro Kugiyama kay Yulo. “We try and try best every days training.”

 

 

Kumolekta si Yulo ng 14.800 points sa men’s vault para sikwatin ang ginto laban kina Tachibana Shiga ng Japan at Kim Hansol ng Korea.

 

 

Sa nasabi ring event nagkampeon ang Tokyo Olympian sa 2021 World Championships na idinaos sa Kitakyushu, Japan.

 

 

Isinunod ni Yulo ang gold sa parallel bars sa nakuhang 15.167 points.

 

 

Nakatakda ang 2022 World Championships sa Oktubre sa Liverpool, England kung saan hangad ni Yulo na makolekta ang ikatlong gold medal matapos magkampeon sa men’s floor exercise noong 2019 sa Stuttgart, Germany at sa vault noong 2021 sa Kitakyushu, Japan.

 

 

Nauna nang inangkin ng 22-anyos na si Yulo ang ginto sa floor exercise at pilak sa individual all-around ng nasabing continental championship sa Doha.

Other News
  • Mahigit P310-M, naibigay na sa mga operator ng EDSA Carousel

    PAPALO  na raw sa mahigit P310 million ang nailabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na pondo bilang bayad sa bus operators ng EDSA Carousel matapos ma-delay ng dalawang linggo.     Tiniyak naman ni LTFRB chairperson Atty. Cheloy Garafil na sapat ang kanilang pondo para sa sahod ng mga bus operators sa […]

  • COVID active cases sa PH nasa pinakamataas na umaabot sa 27,754

    NASA pinakamataas na bilang na ngayon ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas na umaabot sa 27, 754.       Ito ay makaraang iulat ng Department of Health (DOH) ang panibagong nadagdag na mga tinamaan ng virus na nasa 2,727.       Sa naturang bilang, ang mga bagong nahawa na 986 ay […]

  • Pangakong P10B ni PDu30, huhugutin sa calamity, contingency fund, 2022 GAA —DBM

    SINABI ng Department of Budget and Management (DBM) na may paghuhugutan na ang P10-billion aid para sa mga biktima ng bagyong Odette na ipinangako ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.   “For the P10 billion which the resident mentioned, the P2 billion is already available under the NDRRMF which is the long name of the calamity […]