Yulo tututok sa 3 events sa Paris Olympics
- Published on August 11, 2021
- by @peoplesbalita
Tatlong events ang paghahandaan ni world champion Carlos Edriel Yulo sa men’s artistic gymnastics competition ng 2024 Paris Olympics.
Hindi lamang nakasentro si Yulo sa kanyang paboritong floor exercise event dahil pagtutuunan din nito ng pansin ang vault at parallel bars.
“Tatlo talaga yung kaya kong pasukan, alam ko sa sarili ko na hindi na lang floor yung special para sa akin,” ani Yulo sa programang Power and Play.
Naniniwala si Yulo na kaya nitong mag-perform sa tatlong events sa Paris Olympics lalo pa’t naranasan na nito kung ano ang experience na sumabak sa Olympics.
Aminado si Yulo kahit ano pang ensayo ang gawin nito, hindi maiiwasan ang kaba sa isang malaking event gaya ng Olympics.
Naniniwala si Yulo na kaya nitong mag-perform sa tatlong events sa Paris Olympics lalo pa’t naranasan na nito kung ano ang experience na sumabak sa Olympics.
Aminado si Yulo kahit ano pang ensayo ang gawin nito, hindi maiiwasan ang kaba sa isang malaking event gaya ng Olympics.
“Yun kasi talaga pinaka-iniisip ko, yung mapakita ko kung gaano kaganda yung gymnastics ko, na iba ako sa kanila. Nakakakaba talaga, kahit gaano ka ka-preparado,” ani Yulo.
Maraming natutunan si Yulo sa kanyang karanasan sa Tokyo Olympics na magsisilbing motibasyon nito para sa kanyang mga susunod na laban.
Pormal nang magtatapos ang Tokyo Olympics ngayong araw subalit nakasentro na agad ang atensiyon nito sa 2024 Games.
“Kapag natikman mo, babalik-balikan mo yung feeling, hindi pwedeng isa lang. Gusto mo, kapag tumayo ka ulit don, ikaw na ‘yung magta-top, ikaw na yung hahabulin,” ani Yulo.
Sa Tokyo Olympics, nagkasya lamang si Yulo sa ikaapat na puwesto sa vault habang bigo itong makapasok sa final round ng floor exercise.
Alam ni Yulo na may ibubuga pa ito kaya’t magsisilbing magandang preparasyon ang Tokyo Olympics para bumalik ng mas malakas sa Paris Games.
-
Pinoy Olympian EJ Obiena nasungkit ang SEA Games record sa pole vault at nakamit ang gold medal
BINASAG ngayon ng Pinoy Olympian na si EJ Obiena ang SEA Games record sa pole vault matapos masungkit niya ang gold medal at matagumpay na madepensahan ang kanyang korona. Si Obiena na ranked 5th sa buong mundo sa pole vault ay nagtala ng SEA Games record makaraang malampasan niya ang 5.46m sa nagpapatuloy […]
-
‘Firefly’, big winner sa ‘Manila International Film Festival: DINGDONG at PIOLO, tie sa Best Actor at si VILMA pa rin ang Best Actress
BIG winner ang ‘Firefly’ sa kauna-unahang Manila International Film Awards na ginanap noong Sabado, Feb. 3 (oras sa Pilipinas). Ang 10 pelikulang Pilipino ay umeksena sa Hollywood, idinaos ang MIFF mula Enero 29 hanggang Pebrero 2 sa TCL Chinese Theaters sa Los Angeles, USA. Ang ‘Firefly’ ang nagwagi ng Best Screenplay […]
-
Mas maluwag na GCQ sa NCR Plus, possible
Posibleng ibaba na sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region (NCR) Plus matapos ang Hunyo 15. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ito ay dahil bumubuti na ang sitwasyon ng COVID-19 dito kabilang na rin ang mababang hospital care utilization rate. Sa Metro Manila umano ay gumanda na […]