• July 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zavier Lucero, UP Fighting Maroons amoy UAAP titulo

Schedule sa Miyerkoles

(Smart Araneta Coliseum)

5:30 pm – Awarding Ceremony

6 pm – AdMU vs UP

 

 

Namuro ang defending champion UP Fighting Maroons ang pangalawang sunod na titulo ngayong taon nang bidahan ni Zavier Lucero upang pabagsakin ang Ateneo Blue Eagles, 72-66, sa 85th University Athletic Association of the Philippines men’s basketball best-of-3 Finals Game 1 sa harap ng 18,211 miron Linggo ng gabi SM Mall of Asia Arena sa Pasay.

 

 

Umupo ang Peyups sa trono noong Hunyo nang tapusin ang 36 na taong pagkagutom sa kampeonato sa pagtimon coach Goldwin Monteverde kontra AdMU rin.

 

 

Trumabaho sa ‘Battle of Katipunan’ si Lucero ng krusyal na 14 points, 10 rebounds, tig-2 assists at blocks, na sinegundahan ni JD Cagulangan ng 12 markers. Umiskor pa ng 11 si Harold Alarcon at si presumptive MVP Malick Diouf ng siyam.

 

 

“I think for us it’s every day coming in and listening to what our coaches said in preparing accordingly [cause] we know that there are good team over there so we have to bring our best every single time out, and for us, this one’s not already done, we got one more to win and all that UP people please come again,” bulalas ni Lucero.

 

 

Walang saysay ang 16 pts.ni Rence Padrigao at 15 ni Ange Kouame para sa Eagles. (CARD)

Other News
  • Ads April 14, 2021

  • Andrea, in-unfollow na ang Instagram account ni Derek

    HABANG isinusulat namin ang kolum namin ay wala pang sagot sina Derek Ramsay at Andrea Torres na pareho naming pinadalhan ng private message.   Nalungkot kami kung totoo ngang break na sila.   Pero, malaki rin naman ang posibilidad na baka may tampuhan lang. At kung pagbabasehan ang galawan ng kanilang social media accounts, lalo […]

  • Riviera Golf Club and Media Wise strike double gold at the 2024 Gold Quill Awards

    Media Wise Communications, fresh from its golden wins just last year, has made a triumphant return to the Gold Quill Awards this year with a rare two-gold feat with the coffee-table book Playing the Course: 25 Years of the Riviera Golf Lifestyle. The twin wins, one for publication and another for  design, were announced this month by […]