• September 27, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zero casualty target sa COVID-19 vaccine

Target ng gobyerno ang zero casualty sa oras na mag-umpisa ang pagbabakuna kontra COVID-19.

 

Tiniyak din ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na mas mag-iingat ang Pilipinas sa pagpili ng bakuna na gagamitin para sa mga senior citizens matapos na 23 matatanda sa Norway ang nasawi nang mabakunahan ng Pfizer dahil sa adverse reactions.

 

“Ang ating goal is zero casualty and as much as possible, very close watch,” ayon kay Galvez.

 

Kabilang umano sa tungkulin ng mga vaccine experts ng task group ay suriin ang mga bakuna na ginagamit ng iba’t ibang bansa kabilang ang history nito upang mas makapili ng pinakamabuting bakuna.

 

“Ang task group na ginawa namin dito ay isang task group ng mga vaccine expert para talagang alalayan. Susuriin talaga natin ‘yung mga history, titignan natin,” dagdag ng kalihim.

 

Sa ulat ng Norwegian Medicines agency, iniuugnay ang pagkasawi ng 23 senior citizen sa bakunang ibinigay sa kanila. Maaaring may masamang epekto sa katawan ng mga nasawi ang bakuna dahil sa mahinang pa­ngangatawan ng mga senior citizen.

 

Pahayag ng Pfizer, hindi kasali sa dapat na mabakunahan ang mga may edad 85 pataas at may mga malulubhang karamdaman.

 

Hindi malaman kung sinunod ng pamahalaang Norway ang patakarang ito.

 

Matapos na malaman ito, sinabi ni Galvez na agad siyang nakipag-ugnayan kay Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at nagkasundo sila na sa mga may edad mula 18-anyos hanggang 59 lang muna ang isasailalim sa ‘vaccination program’ habang maghahanap pa ng angkop na bakuna para sa mas matatanda.

 

Ito ay dahil base sa inisyal na report ng Norway, delikado ang pagbabakuna sa 80-anyos pataas kaya susuriing mabuti ng task force ang kukuning bakuna kung talagang may kumplikasyon ito.

 

Target ng gobyerno na mabakunahan ang 50-70 indibidwal ngayong taon kung saan inaasahang 50,000 Filipino ang mababakunahan sa Pebrero.

 

Una nang sinabi ni Galvez na ang Pfizer ang posibleng maunang gamitin sa pagbabakuna sa bansa kontra COVID-19 dahil ang COVIX facility ay maagang ilalabas ang nasabing bakuna.

 

Nagbigay na rin ang Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) para sa Pfizer-BionTech. (Daris Jose)

Other News
  • Mga pagkilala at suportang pinansyal, bumuhos sa mga bayaning tagapagligtas

    BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap na espesyal na pagpupugay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan para sa kanilang kabayanihan na tinawag na “Salamat at Paalam… Luksang Parangal para sa mga Bayaning Tagapaglistas! sa Bulacan Capitol Gymnasium dito kahapon.     Sa ngalan nina George E. Agustin […]

  • RIDING-IN-TANDEM TODAS SA PULIS SA CALOOCAN

    DEDBOL ang dalawang hindi pa kilalang lalaki na sakay ng isang motorsiklo matapos umanong makipagbarilan sa humahabol na mga pulis makaraang takbuhan ang isang checkpoint sa Caloocan city, kamakalawa ng gabi.     Base nakarating na report kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, dakong alas-11:30 ng gabi, nagsasagawa ng checkpoint ang mga tauhan […]

  • For the first time in decades: TITO, VIC at JOEY, muling nagsama-sama para sa isang endorsement

    FOR the first time in decades, muling magsasama-sama ang TVJ sa isang endorsement.   Puregold made it happen!   Makikita sa larawan kasama ni Aling Puring, ang brand icon ng Puregold, ang grupo nina Tito Sotto, Vic Sotto, at Joey de Leon, na pumirma ng kontrata bilang pagpapatuloy sa kolaborasyon kasama ang kompanya.     […]