• March 19, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Zia, nagpamalas na naman sa nakaka-touch na pagkanta: DINGDONG, ibinahagi ang lumang upuan ng ama na naging first crib niya

SA pagse-celebrate ng Father’s Day noong Linggo, June 19, nag-post ng mapusong mensahe si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes para sa kanyang tatay na si Jose Sixto Dantes, Jr.

 

 

Ibinahagi nga ng award-winning actor at host ng top-rating shows na Amazing Earth at Family Feud sa kanyang Instagram account ang larawan ng kanyang Daddy Jigg, habang nakaupo at nagyoyosi sa metal-framed lounge chair. Three generations na pala na naturang upuan na nagmula pa noong 1940 at naging first instant crib pa ni Dingdong.

 

 

Sa simula ng caption ng IG post niya, “The Jigg Master sits on a 1940’s chair that was commissioned to my late grandfather BGeneral Sixto Dantes (WW2 officer).

 

 

“Later on, the chair was passed on to Daddy Jigg, and even became my first infant crib when I was born at Camp Crame in August 1980.”

 

 

Dagdag pa ni Dong, “Some things never get old. The success of their evolution lies in the caretakers, who really appreciate their value and significance to make them count in history.

 

 

“I am always grateful to have been under the command of this fine gentleman.

“Happy Father’s Day, sa mga erpats diyan.”

 

 

 

May kasama rin itong short video na kung saan ipinapaliwanag ni Daddy Jigg kung paano naging first crib ni Dingdong ang naturang upuan na 80 years old na, pero napapakinabangan pa.

 

 

 

Samantala, ilang araw bago ang Father’s Day may pinost si Dingdong na video shoot nila ni Zia Dantes para sa ini-endorse na Contis Bakeshop, na gawa ng production team nila na Agosto Dos Media, na kung saan may ‘Project D’ si Zia sa para sa ama to celebrate Father’s Day.

 

 

 

Nakaka-touch ang rendition ni Zia ng “Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko” (na pinasikat ni Megastar Sharon Cuneta noong siya’y bata pa at nagsisimula pa lang makilala bilang mang-aawit) na bagay na bagay nga sa kanilang mag-ama.

 

 

 

Kaya nag-post ng pasasalamat si Daddy Dong kay Zia, “Thank you for making me the happiest Dad, Z. I’ll always be by your side… and I will always look forward to our sweet songs and kulit kwentuhan over our favorite cake, kahit pa malaki ka na… at kahit maputi na ang buhok ko.”

 

 

 

Infairness, ang sarap balik-balikan ng higit 4-minute video nina Dingdong at Zia, at kung mababaw ang luha mo, for sure mapapaiyak ka, dahil may kurot sa puso at tiyak marami ang naka-relate.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Matandang dalaga tiklo sa P204K droga sa Valenzuela

    NASAMSAM sa 44-anyos na dalaga ang mahigit P.2 milyong halaga ng shabu matapos siyang maaresto sa ikinasang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City.     Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas, kinilala ni Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban ang naarestong suspek na si alyas “Janice”, 44, […]

  • Pagsasabatas ng bayanihan 2, malaking tulong sa TUPAD program ng DOLE

    NANANALIG ang Department of Labor and Employment (DOLE) na sakaling maisabatas na ng Kongreso ang Bayanihan II o Bayanihan to Recover as One Bill, ay magkakaroon din ng malaking tsansang maaprubahan ang kanilang mga proyekto,partikular na ang TUPAD Program na magsisilbing emergency employment at subsidy program para sa mga nawalan ng trabaho dahil sa covid19. […]

  • Nag-alala na baka nasaktan sa eksena nila: MIKE, na-shock nang malamang buntis pala si JENNYLYN

    FIRST time palang makakasama ni Mike Tan si Jennylyn Mercado sa isang teleserye.     Kahit na raw matagal na silang nagkakasama sa ibang shows at nakagawa pa sila ng pelikula (‘Lovestruck’ in 2005), never pa raw silang nagsama sa teleserye.     Kaya happy ang StarStruck season 2 Ultimate Male Survivor na ka-love triangle […]