Zubiri, susunod na Senate President
- Published on June 3, 2022
- by @peoplesbalita
SINIMULAN na ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na pumili ng magiging katuwang niya sa mga komite sa Senado.
Kasunod ito ng lumilinaw nang Senate presidency, makaraang umatras na sa laban si Sen. Cynthia Villar.
Dahil sa naturang development, formality na lang ang kailangan para sa pag-upo niya bilang pinuno ng kapulungan sa pagpasok ng 19th Congress.
Kabilang sa mga pinangalanan na sina Sen. Loren Legarda bilang President Pro Tempore;
Sen. Sherwin Gatchalian — basic education and ways and means,
Sen. Nancy Binay — tourism and accounts,
Sen. Sonny Angara — finance
Sen. Robin Padilla – constitutional amendments and revision of codes
Habang si Sen. Chiz Escudero ay ikinokonsiderang chairman ng justice committee.
Tiniyak ni Zubiri na mananatili ang independence ng Senado sa pagpasok ng susunod na administrasyon. (Daris Jose)
-
Teves, ‘pinaka-utak’ sa Degamo slay – DOJ
ITINURO na ni Department of Justice (DOJ) Secretary Jesus Crispin Remulla si suspended Negros Oriental 3rd District Rep. Arnolfo Teves Jr.na siyang pangunahing ‘utak’ sa pagpaslang kay Gov. Roel Degamo. Habang ang nadakip na isa pang ‘utak’ na si ex- military reservist Marvin Miranda na kung baga sa pelikula ay siyang nagsilbing ‘direktor’ […]
-
Lassiter kasama na sa PBA history
KASAMA na ngayon ang pangalan ni San Miguel outside sniper Marcio Lassiter sa kasaysayan ng Philippine Basketball Association (PBA). Nagsalpak si Lassiter ng apat na three-point shots sa 131-82 paglampaso ng Beermen sa Ginebra Gin Kings noong Linggo sa PBA Season 49 Governors’ Cup para maging bagong all-time leading three-point scorer. […]
-
Sa tanong kung kasal na sila ni Sam: CATRIONA, sinagot ang follower ng ‘not yet but soon’
IBA talaga ang isang Barbie Forteza, kaya niyang gawin anuman ang hinihingi ng role niya sa kanya. Tulad ngayon na nasa last two weeks na lamang ang action-drama series nila ni David Licauco, ang “Maging Sino Ka Man,” ay sumabak pa siya sa isang matinding action scene. Kung noong unang bahagi ng serye […]