• February 20, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PALENGKE, GROCERY SA NAVOTAS, ISASARA TUWING LUNES

DAHIL sa pagdami ng mga nahawaan ng COVID-19, isasara tuwing Lunes ang mga public market, grocery, at talipapa sa Navotas para sa general cleaning at disinfection, base sa Executive Order No. TMT-016 na nilagdaan ni Mayor Toby Tiangco.

 

 

Aniya, ang mga lugar at establisimiyentong ito ay nananatiling puntahan ng maraming tao kaya mahalagang mapanatili itong malinis.

 

 

“Tungkulin po natin na gawin ang lahat ng makakaya para maiwasan ang paglala ng hawaan. Kailangan magmalasakit po tayo sa isa’t isa. Kahit malakas po tayo at hindi natin iindahin kung magkaroon man tayo ng COVID-19, paano naman po ang iba na mahihina ang katawan at maaaring mamatay dahil sa sakit na ito?” paliwanag ni Mayor Tiangco.

 

 

Ayon pa sa alkalde, February 6 nang magtala ng 33 active cases ang lungsod, pinakamababa ngayong 2021 ngunit pagkatapos nito, dire-diretso na ang pagdami ng mga nahawaan.

 

 

Sa ulat ng City Epidemiology Surveillance Unit, tumaas ng 349% ang mga kaso sa lungsod kung saan noong Biyernes February 26, ay naitala ang 99 nagpositibo ang pinakamataas na bilang ng mga nadagdag na kaso ngayong taon.

 

 

Nitong February 28, pumalo na sa 6,086 ang tinamaan ng naturang sakit sa lungsod, 311 dito ang active cases, 5,582 ang mga gumaling at 193 ang binawian ng buhay. (Richard Mesa)

Other News
  • April 10, idineklarang regular holiday ni PBBM para sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr

    IDINEKLARA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na regular holiday ang April 10, araw ng Miyerkules, sa buong bansa bilang pagdiriwang ng Eid’l Fitr, o Feast of Ramadhan. Sa pamamagitan ng Proclamation No. 514, idineklara ng Pangulo ang nasabing petsa na regular holiday “in order to bring the religious and cultural significance of the Eid’l […]

  • Unvaccinated vs COVID-19 bawal lumabas ng bahay sa NCR Alert Level 3 — MMDA

    Nagkaisa ang mga alkalde ng Metro Manila na ‘wag munang palabasin ng bahay — “in principle” —  ang lahat ng hindi pa nababakunahan laban sa COVID-19, habang nasa ilalim ng Alert Level 3 ang rehiyon, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).     Matatandaang isinailalim sa Alert Level 3 ang National Capital Region (NCR) mula […]

  • Inilabas lang ang galit at baka ‘di na kayanin: KEN, first time mag-rant dahil sa ka-close na sinisiraan siya

    PAREHONG passionate ang pagsuporta at pangangampanya ng mag-asawang Jolina Magdangal at Mark Escueta.     Si Jolina ay ilang campaign rally na rin ng tandem nina VP Leni Robredo at Senator Kiko Pangilinan ang pinuntahan niya at madalas, kasama nilang mag-asawa ang dalawang anak na sina Pele at Vika.     Si Mark naman, as […]