• November 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pamimigay ng relief goods sa mga biktima ng bagyo sa Bulacan, patuloy

LUNGSOD NG MALOLOS- Tuluy-tuloy ang pamamahagi ng relief goods at iba pang ayuda sa pangunguna ni Gob. Daniel R. Fernando sa mga bayan at lungsod na nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa lalawigan.

 

Nitong Disyembre 11, may kabuuang 150,489 na pamilya na ang napagkalooban ng food packs na naglalaman ng bigas, delata at instant na kape na nagsimula noong Oktubre 30, 2020.

 

Ayon sa gobernador, bukod sa mga ito ay nakatanggap din ang mga Bulakenyo ng ayuda at relief goods mula sa mga pribadong sektor at nasyunal na mga ahensya.

 

“We are still repacking and we will continue sending assistance sa lahat ng nasalanta ng bagyo. Dalangin natin na wala nang malalakas na bagyo pang dumating na pipinsala pa sa mga bahay, buhay at kabuhayan natin, at sa darating na Kapaskuhan ay matagpuan natin ang kapayapaan ng puso, mahanap pa rin natin ang kaligayahan sa gitna ng mga dinaranas natin ngayon,” ani Fernando.

 

Sinabi naman ni Provincial Social Welfare and Development Officer Rowena Joson-Tiongson na ang nakatatatanggap ng ayuda ay ang mga naapektuhan ng mga bagyong Pepito, Quinta, Rolly at Ulysses.

 

Kabilang sa mga benepisyaryo ang 19,899 na pamilya mula sa Calumpit, 10,331 pamilya mula sa San Miguel, 14,413 mula sa Balagtas, 25,330 mula sa Bocaue, 21,162 mula sa Hagonoy, 12,032 mula sa Paombong, 23,748 mula sa Lungsod ng Malolos, 10,580 mula sa Bulakan, 2,393 mula sa Bustos, 1,131 mula sa San Ildefonso at 9,470 pamilya mula sa Marilao. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Matapos na mahiwalay kay Rico: IÑIGO, suportado si MARIS sa kanyang pinagdaraanan

    2018 pa nang magtapos ang relasyong Inigo Pascual at Maris Racal.         Matagal na ring wala silang komunikasyon after ng kanilang paghihiwalay.         Sabi pa nga ni Iñigo sa isa sa mga interbyu sa kanya, na mas importante raw na kilalanin at mahalin niya muna ang sarili niya bago […]

  • EX-HOUSE APPROPRIATIONS PANEL CHAIR BLAMES CAYETANO FOR P70-B CUTS IN MILITARY, POLICE PENSION BUDGET

    Deputy Speaker Isidro Ungab on Monday accused the previous House leadership of manipulating the 2020 national budget which resulted in budget cuts totaling P209 billion, including the more than P70 billion that were slashed from the Pension and Gratuity Fund (PGF) of retired military and police personnel.     Ungab was the chairman of the […]

  • Pacquiao patok sa South Korea

    MALA-rock star ang pagtanggap ng South Korea kay eight-division world champion Manny Pacquiao na kasalukuyang nasa Seoul para sa promotions ng exhibition match nito.     Kasama ni Pacquiao sa pagpo-promote si Korean YouTuber DK Yoo para sa kanilang bakbakan sa Disyembre 10 na idaraos sa naturang bansa.     Mainit ang pagtanggap ng South […]