Barangay hall sa Navotas, ni-lockdown
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
Pansamantalang isinailalim sa granular lockdown ang barangay hall ng Brgy. San Jose sa Navotas city simula 12am ng March 16, 2021 hanggang 11:59pm ng March 20.
Ayon kay Mayor Toby Tiangco, isinailalim na rin sa RT-PCR swab test ang lahat ng mga opisyal at kawani ng barangay para sa kanilang kaligtasan at sa kaligtasan ng kanilang mga nasasakupan.
“Ang pagpapa-swab test sa lahat ng mga opisyal at kawani ng lahat ng mga barangay ay bahagi ng ating pagsisikap na mapigilan ang posibleng pagdami pa ng mga kaso ng COVID-19 sa ating lungsod at ma-proteksyunan ang ating mga barangay workers at mga mamamayan”, pahayag ni Mayor Tiangco.
Hinikayat din ng alkalde ang bawat Navoteño na maging responsable sa kanilang kalusugan at gawin ang makakaya para maiwasang mahawaan ng COVID-19.
Paalala niya na siguruhing nakasuot nang tama ang face mask at face shield, nasusunod ang 1-2 metrong social distancing, naghuhugas o disinfect parati ng mga kamay, at lumalabas lang ng bahay kung kinakailangan..
“Sa pag-iingat po natin sa ating kalusugan, napoprotektahan din natin ang ating kakayahang makapaghanapbuhay”, dagdag niya.
Nitong 6pm ng March 16, 2021, umabot na sa 6,917 ang tinamaan ng COVID-19 sa lungsod, 759 dito ang active cases, 5,949 ang mga gumalin at 209 naman ang nasawi. (Richard Mesa)
-
THIA, tuluyan nang iniwan ang mundo ng pageantry at nag-concentrate na lang sa showbiz
EXCITED na at masayang-masaya ang mga fans nina Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, sa announcement ng GMA Network na ibabalik ang drama series na Endless Love, ang Korean drama adaptation ng Autumn in My Heart. Unang ipinalabas sa GMA-7 ang Endless Love noong 2010 na dinirek nina […]
-
NAGPALABAS ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ng guidelines o mga alituntunin para sa pagtatatag at rehistrasyon ng pharmaceutical economic zones (pharmazones) para gawing simple ang regulatory processes, bawasan ang presyo ng gamot, at akitin ang global pharmaceutical investors sa bansa. Ang guidelines ay inaprubahan ng PEZA Board, si Trade Secretary Ma. Cristina Roque ang tumayong […]
-
Going 8th months na ang relasyon nila: KRIS, crush na crush na pala noon pa ni Vice Gov. MARK
GANU’N na lang ang naging pag-iyak ni Elijah Canlas habang nagbibigay ng mensahe hinggil sa pagyao ng kanyang bunsong kapatid na si JM Canlas. Pumanaw si JM noong August 3 sa edad na 17. Napanood siya sa mga pelikulang “Kiko Boksingero” at “ANi” at sa TV series na “Unconditional.” Sa TikTok […]