• December 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Archive for March 18th, 2021

Pagpasok sa Pinas ng foreign nationals at returning OFWs, suspendido

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PANSAMANTALANG sinuspinde ng gobyerno ng Pilipinas ang pagpasok ng mga foreign nationals at returning overseas Filipinos  (OFWs) na non-overseas workers sa bansa simula sa Marso 20 hanggang Abril 19.

 

Ipinag-utos din ng National Task Force Against COVID-19 (NTF) sa mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na limitahan lamang ang inbound international passengers sa 1,500 kada araw.

 

Ang nasabing hakbang ay naglalayon na mapigil ang karagdagan pang pagtaas ng bilang ng coronavirus cases at mapigilan din ang pagpasok ng coronavirus variants mula sa ibang bansa.

 

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 5, exempted naman mula sa entry ban ang mga indibiduwal gaya ng :

1. Mga may hawak ng 9(c) visas

2. Medical repatriation at ang kanilang escort ay inendorso ng DFA-OUMWA o OWWA

3. Distressed Returning Overseas Filipinos na indendorso ng DFA-OUMWA

4. Emergency o humanitarian cases na aprubado ng National Task Force against COVID-19

 

Nauna nang ipinatupad ang uniform curfew hours na mula alas-10:00 ng gabi hanggang alas-5:00 ng umaga at pagbabawal sa mga menor de edad na lumabas ng bahay sa Metro Manila.

 

Umiiral din ang granular lockdown at liquor ban sa ilang siyudad.

 

Habang target naman ng national government n mabakunahan kontra COVID-19 ang publiko sa buwan ng Abril o Mayo.

 

Ito’y ayon sa national government, maaaring tuluyang matanggal ang virus sa taong 2022.

 

Ayon kay Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez Jr., inaasahan ng Pilipinas ang 1.4 milyong doses ng bakuna mula sa Sinovac-BioNTech at siyam na raang libo mula sa Covax facility sa susunod na buwan.

 

Dagdag ni Galvez, ang 3.4 milyong  doses ng bakuna  ay sapat na para sa lahat ng health care workers sa bansa.

 

Dahil dito, maaaring sa darating na buwan ng Abril o Mayo ay magkakaroon na tinatawag na ” general public vaccination” kung saan posibleng matanggal ang virus sa susunod na taon. (Daris Jose)

Efren ‘Bata’ Reyes nag-sorry na dahil sa paglabag sa health protocols

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nag-sorry na si Billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes matapos ang paglabag sa social distancing ng mga nanood sa kaniyang laro sa San Pedro city, Laguna.

 

 

Sa kaniyang sulat sa Games and Amusement Board, na lubos itong humihingi ng paumanhin.

 

 

Hindi aniya nito kontrolado ang sitwasyon dahil bigla na lamang dumami ang tao noong nalaman na ito ay naglalaro doon sa lugar.

 

 

Dagdag pa ng 66-anyos na si Reyes na bago pa man pumayag na maglaro ay hiniling niya sa mga organizers na magpaalam muna sila sa local government unit.

 

 

Dahil sa hindi na makontrol ng barangay officials ang mga tao kaya tumawag na lamang sila ng kapulisan.

VIOLA DAVIS, most-nominated Black actress sa history ng Academy Awards; ‘Mank’, pinakamaraming nominations sa ‘93rd Oscar Awards’

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

ANG pelikulang Mank” ang nakakuha ng pinakamaraming nominations para sa 93rd Academy Awards or the Oscars.

 

 

In-announce ang official list of nominees noong March 15 ng mag-asawang Nick Jonas at Priyanka Chopra-Jonas.

 

 

Ten nominations ang nakuha ng black & white film na “Mank” including Best Picture, Actor in a Leading Role, Supporting Actress and Directing.

 

 

Tig-anim anim naman na nominations ang nakuha ng iba pang best picture nominess na “The Father”, “Judas and the Black Messiah”, “Minari”, “Nomadland”, “Sound of Metal” at “The Trial of the Chicago 7”.

 

 

For the first time in Oscar history ay dalawang female directors an nominated as Best Director: Chloe Zhao for Nomadland at Emerald Fennell for Promising Young Woman. Naging diverse din ang nominees sa acting category dahil sa pag-nominate sa dalawang Korean actors at limang Black actors which includes Viola Davis na most-nominated Black actress in the history of the Academy Awards.

 

 

The Oscars 2021 will air live on April 25 on ABC and will be televised live in more than 225 countries and territories worldwide.

 

 

Narito ang iba pang nominees:

Best motion picture of the year: “The Father”, “Judas and the Black Messiah”, “Mank”, “Minari”, “Nomadland”, “Promising Young Woman”, “Sound of Metal”, “The Trial of the Chicago 7”

Performance by an actor in a leading role: Riz Ahmed – “Sound of Metal”, Chadwick Boseman – “Ma Rainey’s Black Bottom”, Anthony Hopkins – “The Father”, Gary Oldman – “Mank”, Steven Yeun – “Minari”

Performance by an actress in a leading role: Viola Davis – “Ma Rainey’s Black Bottom”, Andra Day – “The United States vs. Billie Holiday”, Vanessa Kirby – “Pieces of a Woman”, Frances McDormand – “Nomadland”, Carey Mulligan – “Promising Young Woman”,

Performance by an actor in a supporting role: Sacha Baron Cohen – “The Trial of the Chicago 7”, Daniel Kaluuya – “Judas and the Black Messiah”, Leslie Odom, Jr. – “One Night in Miami…”, Paul Raci – “Sound of Metal”, Lakeith Stanfield – “Judas and the Black Messiah”

Performance by an actress in a supporting role: Maria Bakalova – “Borat Subsequent Moviefilm: Delivery of Prodigious Bribe to American Regime for Make Benefit Once Glorious Nation of Kazakhstan”, Glenn Close – “Hillbilly Elegy”, Olivia Colman – “The Father”, Amanda Seyfried – “Mank”, Yuh-Jung Youn – “Minari”

Achievement in directing: “Another Round” – Thomas Vinterberg, “Mank” – David Fincher, “Minari” – Lee Isaac Chung, “Nomadland” – Chloé Zhao, “Promising Young Woman” – Emerald Fennell

Best animated feature film of the year: “Onward” – Dan Scanlon and Kori Rae, “Over the Moon” – Glen Keane, Gennie Rim and Peilin Chou, “A Shaun the Sheep Movie: Farmageddon” – Richard Phelan, Will Becher and Paul Kewley, “Soul” – Pete Docter and Dana Murray, “Wolfwalkers” – Tomm Moore, Ross Stewart, Paul Young and Stéphan R

Best international feature film of the year: “Another Round” – Denmark, “Better Days” – Hong Kong, “Collective” – Romania, “The Man Who Sold His Skin” – Tunisia, “Quo Vadis, Aida?” – Bosnia and Herzegovina

 

 

Achievement in music written for motion pictures (Original song): “Fight For You” from “Judas and the Black Messiah” – Music by H.E.R. and Dernst Emile II; Lyric by H.E.R. and Tiara Thomas, “Hear My Voice” from “The Trial of the Chicago 7” – Music by Daniel Pemberton; Lyric by Daniel Pemberton and Celeste Waite, “Husavik” from “Eurovision Song Contest: The Story of Fire Saga” – Music and Lyric by Savan Kotecha, Fat Max Gsus and Rickard Göransson, “Io Sì (Seen)” from “The Life Ahead (La Vita Davanti a Se)” – Music by Diane Warren; Lyric by Diane Warren and Laura Pausini, “Speak Now” from “One Night in Miami…” – Music and Lyric by Leslie Odom, Jr. and Sam Ashworth  (RUEL J. MENDOZA)

PAGSASARA SA MGA SHOPPING MALLS, PINAG-AARALAN PA

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

WALA pang plano  ang pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa pansamantalang pagsasara ng mga shopping malls at iba pang establisimyento sa lungsod. (more…)

Training program ni Marcial para sa Tokyo Olympics kasado na

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Plantsado na ang programa ni Eumir Felix Marcial para sa Tokyo Olympics.

 

 

Sanib-puwersa ang Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) at MP Promotions upang masiguro na handang-handa si Marcial bago sumabak sa Tokyo Olympics.

 

 

Ayon kay MP Promotions chief Sean Gibbons, tinututukan ng coaching staff si Marcial sa kanyang training camp.

 

 

Sa katunayan, mga world-class coaches ang humahawak dito kabilang na sina Hall of Famer Freddie Roach at strength and conditioning expert Justine Fortune.

 

 

Maraming estratehiya ang itinuturo kay Marcial na magagamit nito sa tangkang masikwat ang gintong medalya sa Tokyo Olympics.

 

 

Ilan sa mga tinukoy ni Gibbons ang tamang foot work, tamang depensa, tamang posisyon at ilan pang mahahalagang estratehiya.

 

 

Tatlong professional fights sana ang plano ng MP Promotions para kay Marcial bago ito tumulak sa Japan.

 

 

Subalit binago ng coaching staff ang game plan para mapanatiling fresh ang katawan nito.

 

 

Ilang sparring sessions din ang pinagdaraanan ni Marcial laban sa iba’t ibang boksingero mula sa Asya, Amerika at Europa para magamay nito ang estilo ng kanyang mga posibleng makalaban sa Olympics.

 

 

Nais ni Marcial na ma­kasama ang isang ABAP coach sa Amerika na magsisilbing katuwang sa pagtutok sa kanyang paghahanda.

 

 

Mananatili muna si Marcial sa Los Angeles, California para ipagpatuloy ang pagsasanay nito.

 

 

“Maganda ang training ko dahil marami akong natututunan. So tuluy-tuloy lang sa training para makuha ko yung perfect form para sa Olympics,” ani Marcial.

MGA BUNTIS NA MEDICAL FRONTLINERS PUWEDENG MABAKUNAHAN

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

PUWEDENG mabakunahan ang mga “buntis”  na medical frontliners na may high risk exposure sa COVID-19 .

 

Ito ang nilinaw ng Department of Health (DOH) at sinabing basta’t may clearance mula sa kanilang mga doctor o physician.

 

Gayundin ang mga senior citizen na frontliner ay maaari ring mabakunahan kontra COVID-19.

 

Ayon sa DOH, ang prioritization criteria naman ay base sa risk of exposure o pagkakalantad sa sakit  at risk of death.

 

“Our prioritization criteria naman is based on risk of exposure and risk of death. So we follow that-pregnant na medical frontliner, pregnant na senior, pregnant na may comorbidity etc. Again, basta may clearance ng doctor”, ayon pa sa DOH.

 

“We follow the contraindications written in the EUA to determine  who should not receive the vaccines. The vaccines we have are not contraindicated for pregnant women. Pregnant women may be vaccinated as long as cleared by their physicians” pahayag pa ng DOH.

 

Ayon naman sa World Health Organization (WHO), ang mga buntis ay nasa mas mataas na panganib ng severe COVD-19 kaysa hindi mga buntis  at ang COVID-19 ay naiuugnay na isang mataas na peligro ng pre-term birth.

 

Gayunman, sinabi ng WHO na dahil sa walang sapat na datos, hindi inirerekomenda ng WHO na mabakunahan ang mga buntis sa ngayon.

 

“In case a pregnant woman has an unavoidable risk high of exposure (e.g a health worker), vaccination may be considered in discussion with their hel]althcare provider,” pahayag ng  WHO sa kanilang  website.

 

“If a breastfeeding woman is part of a group (e.g health workers) recommended for vaccination, vaccination can be offered. WHO does no recommend discontinuing breastfeeding after vaccination” sinabi  pa ng WHO. (GENE ADSUARA)

LeBron James isa ng part-owner ng Boston Red Sox

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Isa ng part-owner ng baseball team na Boston Red Sox ang NBA star na si LeBron James.

 

 

Nakuha niya ang shares nito sa pamamagitan ng pagbili sa Fenway Sports Groupo ang parent company ng koponan at ilang sikat na sports teams at kumpanya.

 

 

Hindi naman binanggit ng kumpanya kung magkano ang halaga sa partnership sa nasabing kumpanya.

 

 

Dahil dito ay posibleng mabago na ang koponan na susuportahan ng Los Angeles Lakers star na dati ay New York Yankees.

P2.7 milyon halaga ng shabu nasabat sa buy bust sa Navotas

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit sa P2.7 milyon halaga ng shabu sa isang hinihinalang drug pusher na natimbog sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

 

 

Kinilala ni Navotas police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong suspek na si Crisanto Lazaro, 39 ng 300 Roldan St.Brgy. Tangos South.

 

 

Ayon kay Col. Ollaging, dakong 12:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg David Santos sa ilalim ng pangangasiwa ni deputy chief for operation PLTCOL  Antonio Naag sa Wawa, Brgy. Tangos South kung saan nagawang makapagtransaksyon ni Pat Leo Dave Legaspi na nagpanggap na buyer sa suspek ng P3,000 halaga ng shabu.

 

 

Matapos tanggapin ng suspek ang marked money mula sa poseur-buyer kapalit ng isang plastic sachet ng shabu ay agad siyang dinamba ng mga operatiba.

 

 

Ani SDEU investigator PSSg John Mikhail Garces, nakumpiska sa suspek ang nasa 405.4 gramo ng hinihinalang shabu na may corresponding standard drug price P2,756,720.00, buy bust money at isang kulay maroon na belt bag.

 

 

Kaugnay nito, pinuri ni Northern Police District (NPD) Director PBGEN Nelson Bondoc ang Navotas Police SDEU sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Col. Ollaging dahil sa matagumpay na drug operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek at pagkakakumpiska sa naturang illegal na droga. (Richard Mesa)

MAJA, nagtayo ng sariling management company at forever grateful sa Star Magic/ABS-CBN; ‘Niña Niño’, malapit ng mapanood sa TV5

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

NAGTAYO na ng sariling management company si Maja Salvador na kung saan excited na siya sa bagong yugto ng kanyang showbiz career.

 

 

Post niya sa kanyang Instagram account, Ako po ay sobrang excited sa bagong yugto ng aking career at makita kung saan ako nito dadalhin. Sa aking pagpapatuloy dito sa industriya, I think the best move for me now is to manage myself. At para magawa ko po ito successfully, I put up Crown Artist Management Inc., @crownartistmgmt kasama ang mga tao na malapit sa puso ko.

 


     “I’m forever grateful for all the love I’ve been given by my Star Magic family, and the opportunities I’ve been blessed with working with very talented people in the industry. Kung sino ako ngayon, I owe to them and ABS-CBN dahil sa kanilang pag gabay at pagtiwala sa aking kakayanan.

 


     “Sa malaking hakbang na ito with my own management company sana tuloy tuloy niyo pa din po akong suportahan in this new journey of mine trying to make other people’s dreams come true as well, tulad na lang ng pagtupad niyo ng sarili kong pangarap.
     “Maraming salamat po. #Crown”

 

 

Marami naman celebrity friends ang natuwa at bumati kay Maja sa kanyang sariling management company at wish niya na maging matagumpay. Proud na proud naman ang kanyang boyfriend na si Rambo Nunez.

 

 

Samantala, nilabas na ang trailer ng Niña Niño na pagbibidahan ni Maja sa twitter post ng Cornerstone Ent, “Malapit na malapit na mapanood ang teleserye na magbibigay ng bagong pag-asa at ng himala. Kasama si Noel Comia bilang Niño at ang Primetime Majesty, Ms. @dprincessmaja bilang Niña. Abangan ang Niña Niño, ngayong April na sa Todo Max Primetime ng TV5! #NiñaNiñoSaTV% #CS_Studios.”

 

 

Marami namang netizens ang excited na sa pagbabalik-serye ni Maja dahil sa kakaibang character na naman ang kanyang gagampanan.

 

Ila sa naging comment nila:

“Sana mag rate yung show as we see a ligther and different role ni Maja.”

“Timing yan para sa Mahal na Araw. Aabangan ko…”

“Nakakamiss ang pag-acting ni Maja. Thank u TV5!”

‘Maja is Maja, kahit ano o kaninong production pa yan. She gives her best.”

“MAJA is a versatile artist. She can act, dance, & sing. Multi-talented kaya hindi yan mababakante sa trabaho.”

“Sana maganda ito at mag-click sa ratings. Magaling na artista si Maja pati na rin ang mga kasama niya sa series.”

“i find ABS-CBN petty for not getting Maja back. they are asking for loyalty, pero sila ba loyal sa artists nila and sa personnel nila? because of them Star Magic as we knew it is no longer the powerhouse that it once was when it comes to developing talents.”  (ROHN ROMULO)

PBA season 46 opening sa Abril 18 na!

Posted on: March 18th, 2021 by @peoplesbalita No Comments

Iniatras ng Philippine Basketball Association (PBA) ang pagbubukas ng Season 46 sa Abril 18 sa bagong venue sa Ynares Center sa Antipolo City.

 

 

Ito ay matapos lumobo ang bilang ng mga tinatamaan ng coronavirus disease (COVID-19) sa bansa na pumapalo na sa 5,000 kada araw.

 

 

Plano sana ng PBA management na simulan ang PBA Season 46 Philippine Cup sa Abril 11 sa isang semi-bubble setup sa National Capital Region (NCR).

 

 

“Hindi masisimulan ng April 11. Hopefully, by April 18 makapaglaro na tayo,” ani PBA commissioner Willie Marcial.

 

 

Dahil sa bagong plano, hihilingin pa ng PBA ang approval ng local government unit sa Antipolo City at Rizal upang payagan ito.